KUMIKIROT ang dibdib ko matapos kong ipaliwanag sa kanya ang tungkol doon. Hindi pa rin maawat ang panginginig ng aking tuhod at mga kamay. "Hindi ko naman... akalain na... magagawa niya 'yong ganoon. Hindi rin sumagi sa isip ko na p'wedeng magkakilala sila ni Belinda. My goal was to close the deal. And then... it happened. I—I... I'm really... r-really... s-sorry!" my voice croaked. Humagulgol ako ulit dahil muling bumuhos ang ala-ala sa nangyari sa amin ni Kyle. Tinakpan ko ang buong mukha ko dahil sa labis na iyak. Sumisigok pa ko ng hilain niya ako sa beywang. Natanggal ko ang mga palad sa aking mukha. Nabigla ako ng sakupin niya ang aking bibig. Napapikit ako. Nalasahan ko pa ang alak sa bibig niya. Kasabay ng tila elektrisidad na dumaloy sa aking buong katawan ay umaagos rin ang

