Alwin's POV Natigilan ako ng muli kong makita si Pau. And as usual, she's on a date again. Napatingin din si Pia sa banda ng nakaukulan ng pansin ko. Alam kong natigilan siya. She must have recognize, Pau. "I-Is that the girl you like?" tanong niya pero hindi ko pinansin. Humakbang na ako para pumunta sa table pero hinila niya ang braso ko. "S-Sa i-ibang restaurant na lang tayo," aya niya at nauna na siyang lumabas. Hindi ko alam kung nagseselos ba siya kay Pau, pero sa nakikita ko sa kinikilos niya ay natataranta siya. Wala akong nagawa kundi sundan siya sa labas. Nakailang-lingon pa ako kay Pau bago ako tuluyang nakalabas. Masayang-masaya siya sa kausap niya. The guy look like my age. Mukha siyang womanizer and he's too matured for her. Baka pagsamantalahan lang siya. Umaakt

