Nag-iwas ako ng tingin saka pinunasan ang tumakas na luha mula sa aking mga mata. Mahal niya talaga ako. I can see it, I can feel it. He's acting like he can't live without me. Like he's so desperate for me. Dapat masaya ako, di ba? I sighed. Pero may anak sila. May anak sila ni Pia, wika ng kabilang isip ko. May anak din kayo, my mind answered me back. If I will take him back and give our marriage a chance. Will he fight for me this time? Hindi na ako puwedeng magpadalos-dalos na naman. Kailangang mawala muna sa landas ko si Pia. Kailangan kong tawagan ang private investigator para tanungin kung ano ang natuklasan niya tungkol kay Pia. Tiyak na makikipag-matigasan sa akin ang babaeng iyon. Gagamitin niya ang bata. Hmmm, anak ba talaga iyon ni Alwin? Kung anak niya nga. Ano

