"Dude, siya iyong anak ng katulong ng kapitbahay niyo, 'di ba?" tanong ni Adrian habang kumakain kami dito sa school canteen. "Oo nga no. Mukhang binu-bully ng grupo ng mga cheer leaders," saad naman ni Aki. Nag-angat ako ng mukha at binaling ko ang tingin sa direksyon na tinuturo nina Jetro. Kumunot ang noo ko habang nakatingin sa babae na tinutukoy nila. Tama sila. Siya nga iyong babae na madalas dumaan sa harapan ng gate namin at tumatanaw sa amin ni Almira kapag nasa garden kami. Tahimik lamang siya sa kinatatayuan niya habang pinipigilan na huwag mahulog ang nangingilid na luha sa kaniyang mga mata. Habang ang mga grupo ng cheer leaders at ilang babaeng estudyante naman ay pinalibutan siya at pinagtatawanan. Hindi ko ugaling makialam na sa mga issues at business ng mga kapwa

