Sa totoo lang parang ayaw kong’ umalis. Simula ng matitigan ko ang mukha ng lalaking nagngangalang Diego ay kumakabog na ang dibdib ko. "Ilang taon kana?" tanong niya sa akin. Hindi ko alam kung bakit hinahayaan ni Felix na kausapin ako ni Diego. Nasa tabi ko siya at nag uusap sila ni Marco, ang pinsan niya. Tahimik akong nakikinig ng tanungin ako ni Diego. "Nineteen po, second year college. H-Huli na kasi ako nakapag aral noon dahil sa pagprocess ni nanay ng papeles ko." Tumango tango siya sa akin at ngumiti ng tipid. Lumipat ang tingin niya kay Felix na sa amin na nakatingin. "Samar is a beautiful place." ani Diego at tumingin kay Marco. "Why don't we have fun before leaving?" Ngumuso si Marco at nangunot ang noo. Kunway tumingin sa akin. "One day lang ako pwede Diego." "Ano