Lumipas ang isang linggo mula noong naligo kami sa private resort. Palagi rin kaming magkasama ni Felix sa eskwelahan. Iyong tipong, araw araw pinagtitinginan kami. Parang nasasanay na ako sa ganoong set up araw araw. Hindi ko na nakita si Armando o kahit si Diego. Hindi ko makalimutan ang pagkakataon na nakilala ko sila. Mga taong hindi ko kailanman inaakala na makikilala ko. Confirm na rin na wala na si Melissa dito sa Samar. Si Tatay kahit paano ay kumikita sa pagbabiyahe ng van. Pero alam ko na malayong malayo ang buhay namin kaysa noon. Noon ay hindi kami naghirap ng ganito.Kahit na si tatay ay malaki ang kinikita kay Melissa noong kelan ay parang wala parin iyon. Parang mas lalo lang naging malas ang buhay namin. Lumalalim ang halikan namin ni Felix. Bawat pag hagod ng labi