"Phrylle!" ulit ni Gavin. Napahawak naman sa mukha si Pia, dahil sa sakit ng suntok ni Phrylle sa kanya. Halos hindi ito makapagsalita.
"Ok ka lang?" pag-aalalang tanong ni Gavin kay Pia.
"Ok lang 'yan dati namang sira mukha niyan eh!" singit ni Phrylle.
"Mag-usap tayo mamaya!" ani Gavin kay Phrylle.
"Masakit ba?" tanong ni Gavin kay Pia, tumango lang ito habang hawak-hawak pa rin nito ang kanyang mukha.
"Ang daming arte, hindi pa nga tudo 'yon eh." pabulong na sabi ni Phrylle sabay pamaywang.
Akmang nahimasmasan na si Pia, ay balak na nitong sugurin si Phrylle ngunit nahawakan agad ito ni Gavin.
"Pia, h'wag." pigil ni Gavin.
"Gavin, ako ang nasaktan!" galit na wika ni Pia.
"Ano...ano..gusto mo ulit dagdagan ang sakit hanggang sa uuwi kang may bukol?" panghahamon ni Phrylle dito na may kasama pamg amba ng kamao nito.
"P'wede ba, Phrylle, tumahimik ka na?" salubong na kilay ni Gavin sa pag-awat dito.
"Humanda ka sa aking babae ka!" banta ni Pia kay Phrylle.
"Daming satsat lika one on one..ohh..ano...ano?" parang batang panghahamon ni Phrylle. Inis na inis na talaga si Gavi kay Phrylle.
"Pia, mag-usap tayo sa susunod tatawagan kita." ani Gavin sabay hinila si Phrylle papalayo sa lugar na iyon bago pa mag-eskandalo ang dalawa.
"Gavin!" sigaw ni Pia.
Huminto naman si Phrylle at nilingon si Pia sabay dinilatan nito.
"Phrylle!" ani Gavin sabay buhay dito. Pinagtitinginan na sila ng mga tao. Galit na galit naman si Pia sa nakita nitong pagbuhat ni Gavin kay Phrylle, at hindi iyon bakaligtas sa mata ni Phrylle kaya para mainis pa ito pinulupot ni Phrylle ang dalawang kamay nito sa leeg ni Gavin, sabay kindat kay Pia na nanggagalaiti na sa galit.
"Ibaba mo nga ako!" pagpupumiglas ni Phrylle ng nasa parking lot na sila. Ngunit bingi si Gavin binuksan nito ang sasakyan at sabay hagis kay Phrylle sa loob. Saka ito sumakay.
"Hoy! bakit mo ako binalibag dito!" galit na wika ni Phrylle sabay hawak sa may balakang.
"Isa pa, kapag hindi ka pa talaga manahimik makakatikim ka na talaga sa'kin!" galit na banta ni Gavin, sabay start nang sasakyan. Mabilis nitong pinatakbo ni Gavin ang sasakyan dahil sa inis, at may importante pa siyang pupuntahan mamaya.
"Hoy! kung gusto mo ng mamatay mauna ka na, ayaw ko pang mamatay!" dakdak ni Phrylle dahil sa bilis nang pagpapatakbo nito. Naririndi na talaga si Gavin sa babae kaya agad nitong hininto ang sasakyan at bumaba ito sabay bukas ng pintuan kung saan nakaupi si Phrylle, agad niya itong kinabog at siniil ng halik. Napapikit si Phrylle sa gulat nito sa ginawa sa kanya ni Gavin, nagtagal ang halik na iyon nag ilang minuto bago siya pinakawalan ni Gavin.
"Ano, mananahimik ka na?" nanlilisik ang mata ni Gavin habang nakatitig kay Phrylle. Hindi nakapagsalita si Phryllel. Hindi ito makagalaw sa kanyang kinauupuan, kahit kanina pa sila nakausad. Tahimik ang byahe nila hanggang sa nakarating na sila sa bahay nila Phrylle, saka lang ito nahimasmasan. Agad itong bumaba at pumasok sa loob, walang kahit anong lumabas sa kanyang bibig. Napangiti naman si Gavin dahil sa inasal ni Phrylle. Umalis na rin ito para puntahan sila Matt.
---
Inis na inis si Phrylle, pagdating nito sa kanyang room. Agad itong tumakbo papunta sa kanyang banyo at nag-toothbrush ng ilang beses. Galit na galit siya kay Gavin sa ginawa nito.
"Hayop ka talaga Gavin, ikaw pa talaga ang unang lalake na nakahalik sa akin, at sa isang bodyguard pa talaga na kagaya mo!" galit na galit na sigaw ni Phrylle habang hindi magkanda uga-uga sa pag-to-toothbrush, parang pakiramdam niya ay nasa labi pa rin niya ang labi ni Gavin. Aminin man niya't sa hindi ambango ng hininga nito, at parang hindi ordinaryong lalake lang. "Haaay! ano ba Phrylle, h'wag na h'wag kang mahuhulog sa demonyong iyon!" sabi nito sa sarili. Patuloy pa rin ito sa ginagawa habang sinesermunan nito ang sarili sa harap ng malaking salamin.
---
Hindi mawala-wala sa isip ni Gavin ang tagpo kanina, parang may iba siyang naramdaman sa tagpong iyon. Pero wala kay Phrylle ang hinahanap niya sa isang babae. Kaya binaliwala na lang niya muna ito. Alam niyang gaganti ito sa kanya at saka na lang siya mag-isip ng isasagot sa babae. Nakarating na siya sa kanilang quarters, agad siyang sinalubong ni Matt.
"Good evening, Sir." bati agad ni Matt dito.
"Hindi maganda buong araw ko pati gabi." sagot naman ni Gavin sabay hagis ng jacket nito kay Matt, at agad naman nitong sinalo. Mukha ngang hindi good ang buong araw ng kanyang amo. Tiyak na naman na mahirap ang training nila ngayon. Napailing na lang si Matt na sumunod kay Gavin. Agad na nagbihis si Gavin at pinag-perform agad nito ang mga trainee. Pinag-push up niya ito at pinag- squat niya ang mga ito at pinatakbo ng ilang beses. Nakikisabay na rin siya sa mga ito, kulang na siya sa exercise dahil sa pagiging bodyguard niya sa demontetang babae na iyon. Matapos ang ilang oras na training ay pinagpahinga na niya ang mga ito.
"Matt, tara sa bar." yaya ni Gavin dito.
"Sure, magbibihis lang ako." sagot naman nito, at agad ng tumalima. Pumasok naman si Gavin sa kanyang opisina at nagshower lang ito dahil sobrang pawis niya kanina.
Nakarating sila Gavin sa isang kilalang bar at halos ang nagpupunta rito ay kilalang tao, at may mga kaya sa buhay. Kilala si Gavin sabar na ito dahil kaibigan nito ang may-ari ng bar na si Titus Hill. Pagpasok pa lang nila ay marami ng tao nagsasayawan dahil may live band din dito. May mga grupo halos ang bawat nandoon.
"Anong name ng bodyguard mo?"
"Naku demonyong Gavin!" ani Phrylle, sabay lagok nito ng alak.
Napahinto naman si Gavin at Matt, habang nakatalikod sila napakunit ang noo ni Gavin sa narinig at pasimple niyang tiningnan kung sino ang nagsasalita ay nagulat ito walang iba kundi si Phrylle.
"Bakit ba anong ginawa sayo?" tanong ng kaibigan ni Phrylle, dahil ka nina pa ito nagku-kwento tungkol sa bagong bodyguard nito.
"Alam mo kung ano ang ginawa sa akin ng demonyong iyon?" Naghintay naman sina Matt at Gavin sa sasabihin ni Phrylle.
"Ano nga?" sabay na tanong ng mga kaibigan nito. Nag-isip muna si Phrylle kung sasabihin niya ang nangyari kanina. Pati si Matt ay gustong malaman kung ano ang ginawa ni Gavin sa babae. Lasing na si Phrylle dahil mula kanina marami na itong nainum.
"Yan.....'yang lalake na iyan nakita n'yo? sabay turo kina Gavin. Nanlaki naman ang mata ni Gavin sa sinabi ni Phrylle.