Biglang nahimasmasan si Phrylle, at malakas niyang itinulak si Paul. "Huwag na huwag kang lalapit sa akin!" galit na galit na sabi ni Phrylle, sabay turo niya ito. "Malay ko bang sumandal ka sa matipuno kong dibdib." ani Paul na may halong pang-aasar kay Phrylle. "Kung hindi ka aalis dito ay ako ang aalis!" sigaw ni Phrylle kay Paul. "Then go, dahil susundan kita kahit saan ka pa magpunta." ani Paul kay Phrylle. "Tumira ka mag-isa rito, at uuwi na ako sa bahay namin!" singhal ni Phrylle, dahil talagang naiinis na siya sa kausap. "Go, basta sinusunod ko lang ang bilin ni Gavin na ako ang magiging bodyguard mo." sabi naman ni Paul. "Hindi ko kailangan ng bodyguard, at mas lalung hindi kita kailangan!" ani Phrylle. "Bahala ka, kapag aalis ka rito sa condo, at susundan pa rin kita sa p