"Phrylle?" gulat na makita ni Gavin ang asawa na matagal na niyang hinahanap ngayon ay nasa harapan na niya. Ibang-iba na ito ngayon, laki ng pinagnagbago niya. Kinurap-kurap ni Gavin ang kanyany mga mata baka namamalikmata lang siya. Ngunit kahit anong gawin niya ay si Phrylle talaga ang kanyang nakikita. "Yes, ako nga, bakit parang gulat na gulat ka?" mataray na sagot ni Phrylle.kay Gavin. "Kailan ka pa dumating?" tanong ni Gavin. "Wala kang pakialam kung kailan ako dumating dahil wala lang karapatang alamin ang buhay ko, at mas lalong wala kang karapatang panghimasukan ang buhay ko!" mariin na sabi ni Phrylle kay Gavin. "Phrylle, mag-usapa tayo." ani Gavin. "Mag-usap?" tanong ni Phrylle sabay pakawala ng pang-inis na tawa. "Oo, mag-usap tayo ng maayos." ani Gavin. "Wala tayong da