Kaagad napalingon si Gavin kay Phrylle, at kitang-kita sa mukha nito ang pagkadragon na naman ng asawa. Pati rin siya ay nagulat sa paghalik sa kanya ni Aria. "Sino siya?" taas kilay na tanong ni Aria kay Gavin na ang tinutukoy nito ay si Phrylle na nasa tabi ni Gavin. "Sino ako? Ito para makilala mo!" ani Phrylle, kay Aria sabay suntok nito sa babae sa sobrang inis niya dahil talagang tinaasan pa siya ng kilay ni Aria, at isa pa sa kinadiri niya ay hinalikan nito si Gavi. na karga-karga ni Gavin ang anak nila. Halos nahilo ata si Aria sa pagsuntok ni Phrylle sa kanya. "Aray!" isang malakas na sabi ni Aria habang hawak-hawak nito ang pisngi na dinapuan ng suntok ni Phrylle. "Kulang pa 'yan gusto mo pa?" mataray na tanong ni Phrylle kay Aria. Hindi makaimik-imik si Gavin, alam niya kung