Napapikit ulit si Phrylle nang makita niya ng maayos ang lalaking kanyang katabi. Parang manigas ang kanyang katawan ng gumalaw ang lalake at niyakap siya nito nag sobrang higpit at naramdaman din niyang hinalikan ng lalake ang kanyang buhok. "Alam kaya niya na gising na ako?" sa isip-isip ni Phrylle. Pero sa mga oras na iyon ay abot langit na yata ang kanyang kilig, dahil nasisiguro niya na ang pinakamamahal na asawa ang katabi niya walang iba kundi si Gavin. Balak ng bumangon ni Phrylle, dahil gusto na niyang maglinis ng katawan at pumunta sa banya. Dahan-dahan niyang tinanggal ang mahigpit na nakayakap sa mga kamay ni Gavin sa kanyang maliit na katawan. "Saan ka pupunta?" malambing na tanong ni Gavin kay Phrylle, habang hindi pa rin tinatanggal ang pagkakayakap sa kanya. "Gising ka