LEIGH’S POV:
Ramdam ko ang pananakit ng ulo ko ng unti-unti kong imulat ang mga mata ko. Sapo ng isang palad ko ang aking noo at marahan naman akong tumayo. Hindi ko alam kung paano ako nakauwi at ang tanging naaalala ko lang ay tinawagan ko ang driver namin para sunduin ako.
“Glad you’re awake.”
Natigilan ako sa narinig ko at nagising bigla ang diwa ko. Mabilis akong napalingon sa kaliwang bahagi ko at nagulat ako ng mapagsino siya. Isinara niya ang librong hawak niya at tumayo siya sa kaniyang kinauupuan.
“You?” takang tanong ko. Inilibot ko pa ang paningin ko at napagtanto kong hindi ko bahay ito. “What am I doing here? At saka saang lupalop naman ng lugar ‘to?”
Naglakad siya palapit sa’kin at itinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko. Sa gulat ko ay napalayo ako sa kaniya at namilog ang mga mata ko. Mariin pa akong napalunok at titig na titig naman siya sa’kin na para bang may nais ipahiwatig.
“So, you didn’t even remember what happened last night huh?” Napanguso pa ako sa kaniya at inisip ko kung ano ang nangyari kagabi.
“Bakit ikaw ang sumundo sa’kin sa bar kagabi? Tinawagan ka ba ng mga kaibigan ko?” Hindi niya ako sinagot at pagkuwa’y kinuha ang telepono niya sa kaniyang bulsa.
Pinakita niya sa’kin ang call history niya at napamaang ako dahil hindi ko maalala na tinawagan ko siya kagabi. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko at napapikit akong muli.
“P-pasensya na, it’s just a mistake, nagkamali lang ako ng dial kagabi akala ko kasi driver namin ‘yong tinawagan ko,” hinging paumanhin ko.
“Other than that, you didn’t remember what happened next?” Napakurap-kurap pa akong napatitig sa kaniya at saka ako umiling.
Ano bang nagawa ko? Most embarassing moment ba ‘yon? Nasukahan ko ba siya? Nagwala ba ako? s**t naman! Bakit wala akong maalala?
Gusto ko sana siyang itulak palayo sa’kin dahil kanina pa ako naiilang sa lapit namin sa isa’t-isa at lalo na ang mapanuring mga titig niya. Napatingin akong bigla sa suot ko at hindi na ito ang suot ko kagabi. Wari ko ay long sleeve niya ito kaya hindi na ako nag-atubiling itulak siya palayo sa’kin.
“Who change my clothes?!” sigaw ko.
Tinaasan niya ‘ko ng kilay at mahinang napabuga sa hangin.
“Sino pa ba sa tingin mo ang magpapalit ng damit mo?”
Nanlaki ang mga mata ko at sabay takip ng kumot sa katawan ko. Kahit kailan bastos talaga siya! Anong karapatan niyang palitan ako ng damit at hawakan ang katawan ko?
“So, nakita mo?” kinakabahan kong tanong.
“My eyes were closed”
“Kahit na, hindi mo man nakita pero nahawakan mo naman,” pagalit kong saad sa kaniya.
“At least hindi ko nakita”
Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at hinawakan ako sa baba. Bumaba ang tingin niya sa aking mga labi kaya naman itinikom ko ito dahil baka mamaya ay may gawin siyang kamanyakan.
“Gusto mo bang ipaalala ko sa’yo kung ano ang nangyari kagabi?” Nakataas ang isang kilay niyang tanong sa’kin.
“Ano bang nagawa ko?”
“You’re kissing me non-stop,” walang paligoy-ligoy niyang sagot.
Umawang ang labi ko sa sinabi niya at pilit ko siyang tinutulak palayo pero tinigasan niya ang katawan niya dahil alam niyang itutulak ko ulit siya. Sinamaan ko siya nang tingin pero hindi pa rin siya nagpatinag at nanatiling nakatingin sa’kin.
“And also you’re bitting my lips.” Lalo akong napamaang at napatitig sa kaniyang labi.
Pansin ko ang maliit na sugat doon sa bandang gilid ng labi niya at mukhang totoo nga ang sinasabi niya. Mariin akong napapikit at nagbaba ng aking ulo. Dahil sa sobrang kalasingan ko ay hindi ko na maalala pa ang mga nangyari.
“Do you remember now?” tanong niyang muli.
Pilit ko siyang binalingan nang tingin at tinaasan ng kilay.
“Paano mong nasabing ako ang may gawa niyan?” tukoy ko sa labi niyang may sugat. “Baka kagat ng girlfriend mo ‘yan at hindi ako”
“I never kissed her even once.” Natigilan ako sa sinabi niya at unti-unti naman siyang lumayo sa’kin. “You’re my first kiss.” Napatulala pa ako at lalabas na sana siya ng kuwarto ng muli niya akong lingunin. "Breakfast is already prepared downstairs. I just have a meeting at my office, and after that, we’ll go somewhere.”
Magsasalita pa sana ako ng mabilis siyang lumabas ng kuwarto. Napabuntong hininga na lang ako at napatingin sa suot ko. Hinagilap ko ang telepono ko at nakita ang mga messages ng dalawang malandi kong kaibigan. Binuksan ko ito at awang ang mga labi ko dahil sa mga pinagsasabi nila.
“b***h! Walang hiya ka! At kay Professor ka pa talaga nagpasundo ah!” Unang message ni Rein na bumungad sa’kin.
“Ang landi mo talaga b***h kagabi. Poging-pogi yan kay Prof.?” With smiley face naman na message ni Thea.
Padabog kong ibinaba ang telepono ko sa kama at naisuklay ko na lang ang mga daliri ko sa aking buhok. Hindi ko akalain na magagawa ko siyang halikan at ngayon pa talaga ako nahiya sa pinaggagawa ko. Sa dinami-rami ng idadial ko at number pa talaga ng bwisit na ‘yon.
Tumayo na ako sa kama at lumabas ng kuwarto. Namangha ako sa paligid ko dahil sa laki ng bahay na ‘to. Hindi ito ang bahay ni Professor Kiefer at wari ko ay sa kakilala niya ito o ‘di kaya sa mga magulang niya.
Pagbaba ko ng hagdan ay mas lalo akong namangha nang makita ang lawak ng bahay dito sa baba. Mas malaki ito kumpara sa mansyon namin at may isang bagay ang pumukaw sa aking atensyon. Isang portrait ng Iris flower ang naka-display sa sala nila at pansin ko ang isang batang babae na nakaupo at nakatitig sa bulaklak.
“That’s my favorite flower,” bulong ko sa aking sarili.
Mahilig ako sa kulay blue kaya pati ang blueberry cheesecake ay naging paborito ko na rin. Nagtataka nga ang iba dahil karamihan sa mga babae ay pink ang paborito nilang kulay pero mas gusto ko ang kulay blue dahil pakiramdam ko ay mas gumagaan ang pakiramdam ko kapag nakikita ko ang ganoong kulay.
“Mrs. Victorino nakahanda na po ang almusal ninyo.” Napalingon ako at tumambad sa’kin ang naka-unipormeng kasambahay.
“Tawagin mo na lang akong Leigh, hindi pa naman kami kasal para tawagin mo akong Mrs. Victorino,” nahihiya kong turan sa kaniya.
“Naku, magagalit po sa’min si Sir iyon po kasi ang bilin niya sa amin eh.” Napaikot na lang ang mata ko dahil sa kalokohan ng lalaking iyon.
Iginiya niya ako sa dining area at nagulat ako sa iba’t-ibang klaseng pagkain na nakahain sa lamesa. May tatlong kasambahay ang nakatayo sa may gilid at sabay naman nila akong binati tulad ng pagtawag sa’kin ng isang kasambahay.
Umupo ako sa dulo ng mesa at isa-isang tinitigan ang mga pagkaing nakahain. Lahat ng mga nakahain ay panay paborito ko at isa na roon ang blueberry cheesecake. Siguro ay sinabi rin ni daddy sa kaniya ang mga paborito kong pagkain kaya ito ang mga hinain niya sa’kin.
“Aahm, nasaan pala si Prof. I mean si Kiefer?” tanong ko sa isang kasambahay.
“Nasa opisina po niya sa bandang kaliwa nito,” sabay turo niya pa kung saan ang opisina nito.
“Bahay niya ba ‘to?” Hindi ko mapigilang itanong ‘yon sa kaniya.
Biglang sumagi sa isip ko na hindi pala talaga siya totoong professor at isa siyang nagmamay-ari ng malaking kumpanya. Pero anong purpose niya at bakit siya nagpanggap na isang professor?
“Opo Mrs. Victorino sa kaniya po itong bahay.” Gulat akong napatitig sa kaniya at napasandal sa upuan. “Sa katunayan nga po kayo ang unang babaeng dinala niya rito,” nakangiti niya pang sabi.
“H-ha? T-teka, hindi niyo ba alam na may girlfriend siya bago ako?” Nangunot pa ang noo niya at saka umiling.
“May isang taon na rin po kaming naninilbihan dito pero ni isang babaeng dinala niya rito wala pa po kaming nakikita, kayo pa lang po ang dinala niya rito.” Hindi ako nakapagsalita at napaiwas na lang sa kaniya ng tingin.
Hindi ko alam kung matutuwa ba ako sa nalaman ko o baka dahil hindi naman siya rito umuuwi kun’di sa ibang bahay. Naalala kong bigla nang dumating ang girlfriend niya sa bahay niya at malamang ay doon niya pinapapunta ito. Paano nga naman malalaman ng mga kasambahay niya ‘yon e’ hindi naman siya rito umuuwi?
Pagkatapos kong kumain ay naglibot-libot muna ako sa bahay at pumasok sa isang library. Mahilig din pala ang nerd na ‘yon sa mga libro dahil halos bawat sulok ng libary na ito ay may mga libro. Dumako ang paningin ko sa isang naka-kuwadrado sa may dulo at kinuha ‘yon. Nakalagay doon ang isang Iris Flower at may nakasulat pa sa bandang ibaba noon.
“You’re not just the person I love. You are the reason I believed in love. I promise I will find you,” mahinang basa ko sa nakasulat doon.
Ibinalik ko na ‘yon kung saan ko iyon kinuha at hindi ko maiwasang mag-isip. Magkasalungat kami ng paniniwala. Kung siya naniniwala sa pagmamahal, ako naman ay hindi naniniwala sa ganoong bagay at ayokong maranasan ‘yon dahil sa bandang huli ay alam kong masasaktan lang din ako. Alam ko naman na kaya lang pumayag si Professor Kiefer sa kagustuhan ni daddy ay dahil na rin sa utang na loob nito sa kaniya. Pero alam kong oras na mahanap na niya ang babaeng pinakamamahal niya ay matatapos na rin ang kalokohang ito. I need to hold on to what I said and I shouldn't fall for him because in the end, he'll just leave me too for the woman he loves – just like what my mom did.
Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng library at hindi ko namalayan na sa aking pag-atras ay lumapat ang likod ko sa isang pader at bigla na lang itong umikot. Nadala ako nito at muntikan pang matumba. Natigagal ako ng nasa ibang kuwarto na ako at nakita ko si Professor Kiefer at ang iba pang naririto na mga empleyado niya. Taka silang napatitig sa’kin at nahihiya naman akong tumalikod sa kanila at pilit kong hinihila pababa ang suot kong long sleeve.
“Okay, meeting adjourned,” dinig kong sabi niya.
Isa-isang nag-alisan ang mga empleyado niya at nanatili pa rin ako sa kinatatayuan ko. Nalintikan na, bakit ba kasi ako napunta rito? s**t nakakahiya tapos nakita pa nila na ganito ang suot ko.
Napasinghap ako nang buhatin niya ako at inupo sa lamesa. Intinukod niya ang dalawang kamay niya sa magkabilang gilid ko at inilapit pa ang mukha niya sa’kin. Sunud-sunod akong napalunok at hindi makatingin ng deretso sa kaniya.
“It looks like you can’t wait to see me huh?” may pang-aasar niyang turan.
“Asa ka. Aksidente lang na napunta ako rito, Professor,” may diin kong sambit.
Muntikan pa akong mapasigaw nang hawakan niya ako sa aking batok at bahagya pang ilapit sa kaniya. Halos magdikit na ang aming mga labi at ramdam ko ang init ng hininga niya.
“I told you that don’t call me Professor because you’re not my student anymore,” paos niyang sabi.
“Okay, Mr. Pervert.” Hindi pa natatapos ang sasabihin ko nang bigla niya akong halikan.
He kissed me passionately at panay naman ang tulak ko sa kaniya pero hindi pa rin siya lumalayo. Kinagat ko naman ang labi niya kaya doon lang siya tumigil sa paghalik sa’kin.
“Again? Are you a dog?” Sabay hawak niya sa ibabang labi niya.
“Bastos ka kasi! Ako aso? Baka ikaw ‘yong aso?” Irap ko pa sa kaniya.
“That is your punishment. I don’t want you to call me Professor or neither my name”
“Ano ba kasing gusto mong itawag ko sa’yo?” Pinagkrus ko pa ang mga braso ko at masama ko siyang tinitigan.
Inilapit niya pa ang bibig niya sa aking tainga at saka may ibinulong.
“I want you to call me honey, if you don’t want to, wether you like it or not I’m gonna kiss you until you can’t breath.” Lumayo siya sa’kin at lalo ko siyang sinamaan nang tingin.
“Ayoko! At saka pumayag na nga ako magpakasal tapos kailangan sundin ko pa ‘yang gusto mo? Sumosobra ka na yata. Do’n ka magpatawag ng honey sa first love mo at huwag sa’kin”
Tumaas ang isang kilay ko nang sumilay ang ngiti niya sa kaniyang mga labi. Natulala akong bigla dahil bukod sa pagiging cold niya at seryoso ay mas lalo siyang gumwapo sa simpleng ngiti lang niyang iyon.
“That’s why I’m asking you that,” wika niya.
“H-ha?” Magsasalita pa sana ako nang ibaba na niya ako sa lamesa.
“May hinanda na akong damit mo pamalit. You should take a bath first and afterwards we will go somewhere”
“Sa’n naman tayo pupunta? May klase pa ako ng tanghali,” mataray kong turan.
“You’ll find out later.” Bahagya pa siyang lumapit sa’kin at hinaplos ang aking pisngi. “Don’t forget to call me honey or else I’m gonna punish you afterwards.”
Umalis na siya sa harapan ko at naiwan naman akong nagngingitngit sa inis. Padabog akong naglakad at habang papunta ako sa kuwarto niya ay panay mura ko naman sa kaniya sa aking isipan.