NAGISING si Aaric dahil sa sinag ng araw na tumakas mula sa makapal na kurtina. Nagpapasalamat siya dahil bumuti na kahit papaano ang kanyang pakiramdam. Nangsasapuin niya ang noo ay natigilan siya nang makita niya si Maximus na mahimbing na natutulog habang hawak nito ang kanyang kamay. Marahan niyang binawi ang kamay rito ngunit naalimpungatan nito. Kurap-kurap na nag-angat ito sa kanya ng tingin. Halatang inaantok pa, but still he look handsome. Malapad itong ngumiti. "Good morning." Nailang siya nang sapuin nito ang kanyang noo. "Are you feeling better now?" He asked worriedly. Marahan siyang tumango habang hindi makapaniwalang nasa harapan niya ito. Binantayan ba siya nito magdamag? Paano si Arvic? Pumayag itong bantayan siya ni Maximus? Naiilang na binawi niya ang kamay na hawak p