Sa kabilang banda... "Talaga, nagawa mong sabihin 'yan?" Hindi makapaniwala ang rumehistro sa muka ni Keiffer. Kaibigan ni Arvic na isa ding Omega. Kasalukuyan siyang nasa Casa De Omega o ang lugar ng aliwan. "Syempre, hindi ko hahayaang muling maka pasok ang Aaric na 'yon sa buhay ni Maximus ko." Sumimsim siya ng Alak sa hawak niyang kopita. "Aba! Over sa fighting spirit?" "Kailangan 'yon. Sa hirap ko na makuha ang loob ni Maximus ko, tapos mawawala lang ng gano'n? Hindi ako makakapayag." Napatingin siya kay Devi na patuyang tumawa sa katabi niyang upuan. "Anong nakakatawa?" Taas ang kilay na tanong niya. "Paano ka nakakasiguro na ikaw ang pipiliin ni Alpha Maximus?" Walang emosyong nilingon soya nito. "Tandaan mo, mga Omega lang tayo...parausan o gamit sa paningin ng mga Alpha.