13. Kill

1598 Words
Chapter Thirteen Si Ate Aira ang naghain ng pagkain para sa akin. Tahimik akong kumain. Gutom na gutom ako. Saktong pasok ni Gov na may kausap na sa phone. Tahimik lang kami ni Ate Aira. "She can!" asik ni Governor Claude kaya pareho kaming napaiktad ni Ate Aira. Kumuha ng tubig ang lalaki. "She can!" ulit ni gov na para bang nais niyang ipagdiinan iyon. "Ano iyong she can, Ate Aira?" bulong ko sa babae. "Manok, be." "Ha? Kailangan niya ng manok?" tumayo agad ako at lumapit sa ref. May nakita akong Karne ng manok doon. Kumuha ako. Nasa lalagyan iyon. Iniabot ko sa gobernador na ngayon ay umiinom ng tubig habang nakadikit pa rin ang cellphone sa tenga. Nasamid ang lalaki paglingon nito sa akin. "What's that?" tinitigan nito ang hawak ko. "Sabi mo she can kaya ikinuha kita." "What? Aira," biglang baling nito sa kasambahay. "Ano na namang itinuro mo rito kay Manika?" sabay baba nito sa phone. "Ah, tinanong lang naman niya kung anong tagalog ng she can kaya sabi ko manok." Mariing napapikit si Governor Claude. Napasapo sa batok at marahan niyang hinilot iyon. "Chicken, Aira! You f*****g stupid!" hiyaw na naman ni gov. Ibig sabihin hindi manok ang tagalog ng she can. Ngayon alam ko na. "Damn it! Kung ganyan ka kamangmang ay anong impormasyon ang mapapala ko sa 'yo?" sabay alis nito. "Manika, kumain ka na. Tapusin mo na ito," ibinalik ko muna ang manok sa ref. Naghugas ako ng kamay. Alam ko naman na kung paano buksan. Itinapat ko lang ang kamay ko sa gripo at bumagsak na ang tubig. Saka ko pinunasan iyon gamit ang towel na nakasabit. Nang balikan ko ang pagkain ko muli kong pinagkaabalahan iyon. "Ate Aira, paano ba ako makakabalita sa nangyari sa capitol? May mga... nahuli na ba?" mahinang tanong ko sa babae. "Kay Gov ka magtanong. Ayon! Direct source iyon. Alam niya ang mga nagaganap ngayon sa capitol. Wala rin akong balita kung may nahuli na... baka makakabalita lang ako kapag ikaw na ang hinuli." "Ate, ayaw ko pong makulong---" "P'wes, magbigay ka ng statement kay governor. Bigyan mo ng information na magagamit nila sa paghahanap sa mga rebelde." Natahimik ako. Hindi pa nga ako sigurado kung nasaan sina ina. Saka wala rin akong impormasyon sa kung saan ang kuta dahil hindi ko naman talaga kabisado ang daan patungo roon. "Tapos na po akong kumain," mahinang ani ko. Nang tumayo ako ay tahimik na akong umalis. "Aba'y hindi man lang nagligpit ang gaga," anas ng babae pero tuloy-tuloy na ako sa paglabas. Pumanhik ako sa hagdan at tinungo ang kwartong inuukupa ko. Pagpasok ko sa kwarto ay tumungo na muna ako sa banyo at nagsipilyo. Kompleto talaga ang silid na ito sa mga kailangan ko. Ganito pala ang bahay ng mga mayayaman. Lahat ng kailangan ay hindi proproblemahin. Pagkatapos kong nagsipilyo ay gumawi sa bathtub ang tingin. Ang ganda sigurong matulog doon. Gumuhit ang ngiti sa labi ko at dali-daling kumuha ng isang unan at kumot. Sa banyo ako matutulog. Bitbit ang mga iyon na bumalik ako ng banyo. Hinayaan ko lang na nakabukas ng bahagya ang pinto ng banyo. Bago ako lumakad patungo sa bathtub at pumwesto roon. Tuyo naman. Huwag lang aksidenteng mabuksan ang gripo. May kalamigan pero okay rin naman. Ang saya naman nito. Agad akong nakatulog. -- "Hanapin n'yo! Paanong hindi n'yo namalayan na umalis? Damn it! Bring her back. Ang tatanga n'yo! Wala rito sa kwarto. Find her. Baka nakalayo na ang babaeng iyon." Nagising ako dahil sa malakas na sigaw ni Governor Claude. Hindi agad ako bumangon sa pagkakahiga dahil hindi ko alam kung ano ang nangyayari. "Boss, wala po talagang lumabas na Manika kagabi o kahit kaninang madaling araw. Nagbantay po kami nang maayos---" "Where is Manika? Kung nagbantay kayo nasaan ang bihag ko?" hindi ba sumasakit ang lalamunan ni Governor Kalbo? Sigaw nang sigaw. Bumangon na ako. Bitbit ang unan na lumakad ako palabas ng banyo. Sabay-sabay na napatingin ang mga tao sa akin. Awang ang labi ng mga ito. "Manika, saan ka natulog? Sa bathtub? Lintik kang babae ka. Nasesermunan na kami dahil akala namin ay nakatakas ka na." Bumeso ako kay Ate Aira. "Magandang umaga," bati ko rito. Lumapit ako sa gobernador at bumeso rin dito. "Sa 'yo rin, Gov. Kal." Nang akmang lalapit pa ako sa mga lalaking tauhan nito ay hinawakan ako sa braso ng gobernador at pinigilan. "Anong ginagawa mo?" masungit na ani ng lalaki. "Babati ng magandang umaga---" biglang naglabasan ang mga tauhan ni Governor Claude. "Hoy, Manika! Bakit sa CR ka natulog? Akala namin tumakas ka na." "Ate Aira, hindi ako tatakas. Malayo. Mapapagod lang po ako. Dito lang po ako. Kapag may maghahatid na sa akin sa kapitolyo ay payag naman ako." "What you say won't happen, Manika," sabay lakad palabas ng lalaki. "Ang sabi niya, 'Ano ikaw sabi nanalo mangyari'." Napakurap-kurap akong napatitig sa babae. Antok pa ako pero naririnig ko naman ito ng malinaw. Iyon nga lang iyong sinasabi niya sa akin ay hindi malinaw. Lumakad ako patungo sa kama para humiga ulit pero pinigilan niya akong dalhin ang unan at kumot. "Ikukuha kita ng bago," hindi na ako tumutol pa. Nakaidlip din naman agad ako pero dahil sa bunganga ni Ate Aira na gising din nang bumalik siya. "Manika, grabe ang sigaw ni gov. kanina. Akala niya talagang tumakas ka na. Feeling ko hindi dahil rebelde ka. Feeling ko talaga type ka n'ya." "Type?" takang anas ko. "Parang gusto ka na n'ya, Manika." "Gusto po?" "Gusto bilang babae. Maganda ka kasi." "Po?" napabuntonghininga ang babae. "Huwag mo na nga lang akong kausapin. Nakakapagod kang kausap." Nanulis ang nguso ko at naupo sa kama. Mas nakakapagod kaya silang kausap. Hindi ko sila naiintindihan. "Maligo ka na, Manika. Malakas ang kutob ko na ipatatawag ka ng gobernador ngayon sa office niya. Ayusin mo ang mga sagot mo. Nakasalalay ang sagot mo kung makakalabas ka ng buhay roon." Agad akong umiling. "Inaantok pa po ako." "Huwag ka nang magpanggap, Manika. Baka paakyatin no'n si Susan at siya ang nagpababa sa 'yo. Mainit pa naman ang dugo ni Susan sa 'yo." Agad naman akong tumalima. Si Ate Aira na ang naghanda ng damit ko bago siya sumunod sa banyo. Alam ko naman ng gamitin ang mga bagay rito sa banyo. Hindi ko na kailangan ng tulong nito pero tinulungan pa rin niya ako. "Manika, kapag humugot ng baril galingan mo na lang sa pagbukaka para mailigtas mo ang buhay mo." Hindi ko talaga maiiwasan ang pagtatanong ng gobernador. Kailangan kong mag-ingat sa mga sagot ko. Tiyak na uubusin nito ang mga kasama ko oras na malaman nito kung nasaan sila. Pero wait... Eh hindi ko talaga alam. Kahit pa siguro palakarin ako pabalik doon ay maliligaw ako. Nang natapos akong naligo ay tinuyo ko ang buong katawan. "Ate, kaninong mga damit ba itong pinasusuot ninyo sa akin?" nagtataka ako. Tama kasi ang sukat para sa akin. "Pinabili ng gobernador iyan para sa 'yo, Manika. Sobrang dami sa walk-in closet. Iyong mga kakailanganin mo ay naroon." "Bakit n'ya po ako binilihan?" "Be, gusto mo bang mamaho iyang uki mo? Saka siya ang tanungin mo hindi ako. Katulong lang ako rito," at nanahimik na lang ako. Pagkatapos kong nagbihis ay sinuklayan ako nito. Nilagyan din niya nang makukulay na ipit ang buhok ko. "Ang ganda-ganda ko, ate!" puri ko sa sarili. "Ayan! Bagay talaga sa 'yo ang kulay pink. Ang ganda mo, Manika. Para ka talagang manika. Kung alukin ka ni Gov na maging kabit pumayag ka na agad." "Po?" "Ang sabi ko tara na." Hinila na ako nito palabas. Dinala niya ako sa office ni governor. "Hindi ba muna ako kakain?" kabadong tanong ko. Baka may paraan pa para makatakas kay governor. "Mamaya na lang, be. Pasok ka muna." Halos ipagtulakan ako nito. Kaya wala na akong nagawa pa kung 'di pumasok. Agad kong nakita ang gobernador na nakaupo sa upuang may gulong. Palipat-lipat ito ng pwesto. Sobrang busy nito. Gusto ko rin ng gano'ng upuan. Nang nakita ng gobernador na naroon na ako ay agad itong huminto sa ginagawa at tumayo. Ako naman ay mabilis na lumapit dito at saka umupo sa iniwan nitong upuan at pinagulong iyon. "Yuhooooo!" parang batang makahanap ng laruan. "Ang angas ng upuan na ito. Pwede ba itong dalhin sa bundok?" tuwang tanong ko sa gobernador. "Stand up, Manika." Napapikit ito at humugot ng hangin. "Tumayo ka." Kumilos ako nang nagtagalog na ito. "Mag-uusap ba tayo, gov? Pwede bang isama natin si Ate Aira para siyang magtatagalog ng english mo?" mukha kasing hirap ding magtagalog ang gobernador ng deretso. "Naiintindihan mo ba ang mga Tagalog ni Aira?" umiling ako. "Hindi po. Para dalawa kaming hindi makaintindi." "Magtatagalog ako, Manika. Kaya sagutin mo ang mga tanong ko sa 'yo," kumabog-kabog ang dibdib ko. "Basta hindi tungkol sa math ang tanong, Gov. Bobo ako roon eh." Mas mabuti nang umamin. "Hindi tungkol sa math ang tanong ko, Manika Servantino. Tungkol sa rebeldeng grupo na pinamumunuan ng ama mo---" nagtakip ako ng tenga. "Gov, bobo ako. Hindi ko masasagot ang mga tanong mo." Akmang iaatras ko ang upuang may gulong pero hinawakan nito ang sandalan no'n. Saka niya ako iniharap sa kanya. "Huwag mong ubusin ang pasensya ko, Manika. I can kill you just to avenge the people of San Gabriel." "Hehehe! Sige lang, gov. Magsalita ka lang. Hindi naman kita naiintindihan eh." "Are you sure? Is it really okay with you if I kill you?" parang tanga. Hindi ko nga maintindihan tapos kung hindi sasagot magagalit. "Sige po, gov. Okay lang." Okay lang naintindihan ko eh.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD