Chapter Forty-one "Bakasyon na naman ang Gaga," ngiting-ngiti na bumaba ng sasakyan si Ate Aira. Ang malaking sunglasses niya ay agaw eksena. Idagdag pa ang high heels niyang sobrang taas talaga. Hindi ba nasabi ni Governor kay Ate Aira ang pupuntahan namin? Parang hindi pang-farm ang tungo. Pinagbuksan ako ng pinto ni governor kaya bumaba na ako. Magkahawak kami ng kamay nang sumunod kami kay Ate Aira na nagsisimula nang maghirap dahil sa takong niya. "Ay! Putangina!" napaluhod ito dahil ang takong niya ay hindi sumama no'ng humakbang siya. Naiwan dahil nalubog. Natawa ang gobernador sa tabi ko habang ako ay dali-daling tinulungan si Ate Aira. Salbahe si governor. Imbes tulungan ay nakuha pang tawanan. Nang naitayo ko ang nadapang babae ay nakasimangot na ito. Nang tignan nito

