Chapter Eighteen "Gov, alam mo bang kasalanan mo kung bakit sobrang sama ng pakiramdam ko ngayon," sumulyap ito sa akin at inangatan ako ng kilay. "Paano mong naging kasalanan iyon, Manika? Ikaw itong tumakas---" "Kaya nga! Tumakas ako dahil ikinulong mo ako rito. Kung hindi mo iyon ginawa ay walang kailangan tumakas at maglakad ng malayo." Parang sobrang talino ko tuloy. Naipilit ko pa ring kasalanan ng lalaki ang sakit ng katawan ko sa gano'n paraan. Hindi ko maipaliwanag ang naging expression ng lalaki. Para itong naaliw sa sagot ko pero parang hindi. Ewan. Baka natatae kaya gano'n ang mukha nito. "Hindi ka ikukulong sa lugar na ito kung wala kayong kasalanan sa mga tao ng San Gabriel. So, iyong sakit ng katawan mo ay mukhang dahil sa tatay mo." "Ha? Bakit napunta kay ama ang sisi?

