4. TV?

1519 Words
Chapter Four "Ina, pwede ba nating isama si Selsa?" natigilan ang aking ina sa pag-iimpake ng mga damit ko sa bag na dadalhin. "Manika, ikaw lang ang isasama. Si Selsa ay hindi pwedeng bumaba. Alam mo namang wala ng pamilya si Selsa. Baka mamaya'y biglang tumakas---" agad kong inabot ang kamay nito. "Ina, bago sa akin ang kapatagan. Baka pwedeng may kasama ako para hindi ako manibago. Sige na po, ina." Kinulit ko talaga ito baka sakaling pumayag. Sakto namang pumasok si ama. "Sige, Manika. Pero kailangan mong bilinan si Selsa ng mga Hindi niya dapat gawin doon," tuwang-tuwa ako sa pagpayag ni ama. Dali-dali akong tumayo at niyakap ko ito. "Salamat, ama! Tiyak kong matutuwa iyon. Lalabas po muna ako---" akmang tatakbo na ako ngunit pinigilan ako ni ama. "Gabi na, Manika." "Pero bababa na tayo bukas, ama. Sige na po. Payagang mo na ako," ani ko rito. Lumuwag ang pagkakahawak nito sa akin kaya naman tumakbo na ako palabas. Pagdating ko sa Kubo ni Selsa ay inabutan ko itong gising pa. Naglalagay ito ng damit sa bag. Usapan kasi namin na maghanda pa rin siya para ready siya kapag biglang pumayag. "Selsa, pumayag na si ama." Agad kaming nagdiwang nito. Lumundag-lundag pa. "Salamat, Manika. Utang na loob ko sa 'yo ito." "Naku! Huwag mong sabihin iyan. Magkaibigan tayo, Selsa. Sana'y magtagumpay ka sa plano mong iyan." Mamayang alas-2 ay tutulak na sa mahabang lakaran ang mga rebelde. Kasama kami roon. Pagkatapos kong ipaalam kay Selsa ang magandang balita ay bumalik din agad ako sa Kubo. Kailangan kong magpahinga para may lakas ako mamayang lumakad. -- "Lahat ba ng mga kailangan ay handa na?" tanong ni ama. May una nang bumaba. Hindi pwedeng sabay-sabay kaming bababa. Hindi pwedeng makahalata ang mga tao sa bayan sa bigla naming pagsulpot. "Kompleto na ang mga gamit, ama. Nasa bag na ang mga dadalhin." "Tara na," yaya ni ama. Nagsimulang lumakad ang lahat. Ako lang at sa Ina ang walang dala. Iyong iba'y halos makuba na sa buhat nila. Malayo ang nilakad namin pababa. Matarik pa't madulas. Ilang ilog din ang dinaanan namin at ilang bundok pa ang dinaanan bago nakarating sa baba. May sasakyan nang naghihintay sa amin. Saka lang namin nakuhang makapagpahinga habang bumibiyahe. "Ama, napakaangas!" bulalas ko. Tuwang-tuwa ako. Sinaway naman agad ako ng mga ito. Sumilip ako sa bintana. May mga bahay na akong nakikita. Magugulat pa sa ayos ng mga iyon. Buong buhay ko nakatira lang kami sa kubo. Iyong ibang bahay sa bundok ay plastic at sako lang ang harang. Ibang-iba sa ayos ng mga bahay na nadadaanan namin. Kinalabit ko si ina, "ganito pala ang itsura, ina." "Maganda ba?" todo tango ako rito. "Maganda po." "Manika, huwag kang labis na matuwa. Pagkatapos ng misyon dito ay aakyat din tayo sa bundok. Isinama ka para makita mo kung gaano kagulo rito sa bayan at mas maganda talaga sa bundok." "Opo, ama," tugon ko pero ibinalik din ang tingin sa labas ng bintana at muling pinagmasdan ang ganda ng paligid. May mga unang ibinaba. Magkakaiba ang tutuluyan namin. Kami nila ina ay magkakasama pati si Selsa. Si Ama at Kuya Bok ay iba rin ang tutuluyan nila. Nauna silang ibinaba. Kami naman ay sa mismong bayan dinala. Nang huminto ang sasakyan ay tumambad ang hindi kalakihan na bahay. Luma na iyon pero kung titignan ang itsura ay mas komportable pa ring tumira roon kaysa sa Kubo na kapag umuulan ay may tulo-tulo pa. "Pasok kayo," yaya ng ginang na nagbukas ng gate pagbaba namin ng sasakyan. Hindi ako naka-focus doon. Malikot ang tingin ko. Naa-amaze ako sa mga nakikita ko. Kinailangan pa nga akong hilain ni ina para pumasok na. "Pasensya na kayo at hindi kalakihan itong bahay ko. Ang sabi ni Samael ay tatlo lang kayo rito na tutuloy?" ani ng ginang. "Ako si Malena. Kilala ko na kayo kaya hindi n'yo na kailangan pang magpakilala." "Sa ibang bahay sila tumuloy. Kasama lang namin ang anak namin kaya umiba kami ng bahay. Pag-iingat na rin." "Ito ang kwarto," binuksan nito ang pinto ng isang silid. Maayos ang loob. Agad pumasok si ina roon at ang ginang. Sumunod naman kami ni Selsa na todo hanga sa paligid. Nakaawang pa ang labi sa mga nakikita. "Mag-ingat kayo lalo na kapag lalabas at makikisalamuha sa mga sibilyan." "Alam namin ang gagawin. Salamat." Nagkamay ang dalawa bago lumabas ang ginang. Tuwang-tuwa namang lumapit kami ni Selsa sa ina. Bahagya pa naming nayugyog ito. "Ina! Ang ganda rito, ina. Grabe." "Kumalma ka, Manika. Kung ganyan ka aakto sa labas ay iba ang iisipin nila sa 'yo. Hindi mo pwedeng ipakita sa kanila ang pagkaignorante mo sa mga bagay-bagay na narito." Tumango-tango ako sa aking ina. "Alam ko po, ina. Patawad mo. Masyado lang akong nagalak." "May isang linggo pa bago ang kapistahan. Pwede tayong lumabas at mamasyal. Ngunit kailangan nating mag-ingat." Nang sabihin ni ina na iayos muna namin ang mga gamit namin ay agad kaming tumalima ni Selsa. "Ina, ano po iyan?" tanong ko sa ina. Patapos na kami sa pag-aayos ng gamit. Nakuha ang buong atensyon ko ng isang bagay na hindi pamilyar sa akin. "Television ang tawag d'yan, Manika. D'yan napapanood ang mga palabas. Kung sa bundok ay gamit natin ay radio para makarinig ng tugtog at balita. Iyan naman ang madalas gamit ng mga tao rito. TV." Dinampot ni ina ang kulay itim na bagay. Takang napatitig kami ni Selsa. "Ito ang remote." Nang pindutin niya ay pareho kaming napaiktad ni Selsa dahil bumukas iyon. Lumiwanag saglit bago lumabas ang mga tao. Agad kaming napatakbo ni Selsa sa harap ng TV. "Ina, paano napunta ang mga tao sa loob?" may bahid ng takot na tanong ko rito. Bago sa akin ang mga nakikita ko rito. Buong buhay ko ay palipat-lipat lang kami ng bundok. Lahat dito, bago. Manghang-mangha ako. "Ayos lang ba sila, ina? Ipinasok ba sila d'yan tapos inalisan sila ng karapatan?" naiiyak na tanong ko. Ito bang mga taong ito ay isa sa pinaglalaban ni ama? Kaya ba pursigido si ama para mailabas sila sa loob ng TV? Natawa si ina kaya takang tinignan namin siya ni Selsa. "Ina, bakit ka natatawa?" tanong ko. "Oo nga po, auntie. Bakit ka po natatawa?" ani ng kaibigan kong si Selsa. "Kayo naman kasi. Napaghahalataang tagabundok. Wala sila sa loob ng TV. Basta. Komplikado ang pagpapaliwanag." Nang bigla na lang may nagbarilan ay pareho kaming napadapa ni Selsa. Si ina ay napatulala lang sa amin. "Ina, dumapa ka. Baka maputukan ka po." Tarantang-taranta na gumapang pa ako para lang hilain ito pero hindi ito nagpatinag. "Anak, hindi iyan totoo. Maupo kayo at ipaliliwanag ko sa inyo." Gulong-gulo man pero naupo pa rin kami ni Selsa. Nagsimulang nagpaliwanag si ina. Drama raw iyon. Parang sa radyo. Ang pagkakaiba lang ay boses ang naririnig sa radyo. Habang sa telebisyon ay nakikita at naririnig. "Peke po ang barilan? Hindi po nila kayang totoo?" "Umaarte lang sila. Kung totoo ang barilan ay baka ubos na ang mga artista. Ililipat ko sa ibang estasyon." Parehong nanlaki ang mata namin ni Selsa. "Hala! b***t ba iyan?" bulalas ni Selsa. Ako naman ay napatakip sa mata. Si ina naman ay pinatay na ang TV. "Ina, bakit sila nagtatalik? Bakit ipinapalabas iyon? Hindi po ba't pribado iyon?" gulong-gulo na ani ko. Napakamot ang aking ina sa kanyang ulo. "Ang bastos naman ng TV na iyan," himutok ni Selsa. "Kayo talaga... arte lang iyon. Hindi totoo. Umaakto lang sila pero hindi nila aktuwal na ginagawa." "Pero magkalapat ang kanilang labi at wala silang saplot." "Nakita ko nga iyong b***t---" masama ang naging tingin ni ina kay Selsa. "Iyang bibig mo, Selsa. Baka magaya ka ni Manika," itinikom naman agad ni Selsa ang bibig niya. "Bastos ang salitang iyon, ina, 'di ba?" tumango si ina. "Ano palang itatawag ko kapag makakita ako ng gano'n?" sinulyapan ko si Selsa. Naghihintay ito ng sagot kay ina. "Aba'y nagtanong ka pa talaga? May asawa ka na ba? Dapat makita mo iyon kapag kasal ka na---" umiling si Selsa. "Paano kung hindi na ako makatiis---" magtatanong pa talaga ng paano. Mabilis tuloy dumampot ng tambo si ina. Agad namang nagkubli si Selsa sa likod ko. "Ina, tama na po. Ano pong pwede naming itawag kung makakita kami ng gano'n?" inosenteng tanong ko sa aking ina. "Talong," ani nito. Nag-iwas din agad ng tingin. Muli kaming nagkatinginan ni ina. "Talong?" mahina kong bigkas. "Doon na pwedeng ikumpara ang ari ng lalaki? Purple ba ang ari ng lalaki?" tanong ko kay Selsa. Hindi na kay ina dahil baka may iba siyang isipin. Baka hindi nito nagustuhan na magtanong ako ng gano'n dito. "Hindi ko alam, Manika," pabulong ding sagot ni Selsa. "Hindi pa ako nakakita. Baka nga purple kasi sabi ng iyong ina ay purple." "Anong pinagbubulungan n'yo d'yan?" agad kaming naglayo ni Selsa at nagpanggap na abala sa... sa unan. Hinaplos ko iyon na wari'y inaayos. "Wala po, ina." Iniabot nito sa amin ang remote ng TV. "Kung manonood kayo ay ito ang gamitin n'yong pambukas." Inisa-isa nito ang gamit sa mga pindutan. Mabilis akong makatanda kaya naman talagang ako ang mas nakinig.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD