Nanlilimahid na sa alikabok at dumi ang aking buong katawan at nanlalagkit na rin ako dahil sa pawis mula sa ilang oras na paglilinis ng buong apartment pero sige pa rin ako sa pagkuskos sa mga dumikit na natuyong kanin sa tiles ng sahig. Sa isipan ay ilang daang ulit ko nang ginutay-gutay ang green-eyed monster na nagngangalang Dave. Kung di ba naman dahil dito ay nasa spa na sana ako ngayon at nagpapakasarap sa paglustay ng forty-nine million ni Maverick. Pero hindi. Andito ako ngayon at halos ingudngod na ang mukha sa kaka-brush sa nangingitim na white tiles. Iniimagine ko na lang na mukha ni Dave ang nginungudngod ko sa sahig. Nang matapos ay nagpahinga ako ng ilang sandali habang kumakain ng watermelon. Sinulpayan ko ang wall clock. Pasado alas-diyes na ng gabi. Ipinatong ko ang

