Ellise Nikyle's P. O. V. Pagulong-gulong ako sa kama. Hindi ako makatulog, mag-aala-una na ng umaga, ilang oras na lang kailangan ko na gumayak para sa school. Mukhang bangag akong papasok bukas, may recitation pa naman. Wala akong ganang bumangon, sinubukan kong tawagan si Amor, sobrang saya ko nang sagutin niya ang tawag ko. "Hala! Late na ba ako? May pasok na ba!?" bungad niya nang sagutin nito ang call ko. "Umaga pa lang, 1 am." Napaupo ako sa kama ko at nag-indian seat habang nasa tenga ko ang cellphone ko. "Ano? 1 am? Tatawag-tawag ka ng ganitong oras sa akin, ano bang problema?" irita ang tono ng niyang tanong. "Sorry na, nadamay ka pa tuloy. I just can't sleep, I already did lots of position na sa tingin ko I feel comfortable. I closed my eyes for minutes pero ayon nga, hind

