Ellise Nikyle's P. O. V. Umiinom kami ng milktea ni Garbien at Amor dito sa milktea shop, center ng school na pinag-aaralan namin para fair ang layo sa isa't isa. "Buti mababait sa 'yo yung mga kaklase mo, kinaya mo yung one month kasama sila," ani Amor. Tumango ako habang patuloy sa pagsipsip sa straw ng milktea. "Mas okay pa rin kung kasama mo kami, 'di ba? Ang boring mag-lunch kapag wala ka," ani Garbien. "Atleast magkasama kayo, think about me naman na mag-isa lang but sa classroom lang kasi kami kumakain, the cafeteria is too small," ani ko. "Okay na rin na may kasama siya, kaysa wala. Mas mag-aalala kami sa 'yo." Napangiti ako sa sinabi ni Amor sobrang caring talaga nila sa akin. Nang maubos ko ang milktea ay napahikab ako. "Stop yawning, parang boring namin kasama," ani Garb

