Ellise Nikyle's P. O. V. Pagpasok ko ng school ay pinagtitinginan ako ng mga tao. Kinuha ko ang cellphone ko sa bulsa at nag-cellphone habang naglalakad para hindi awkward. Sa social media ay nakita ko ang ilang masasamang posts at comments patungkol sa akin at sa ugali ko. Napatigil ako sa paglalakad nang makakita ako ng GIF clip ng pagsampal ko kay Joy sa labas ng gate. Napapikit ako ng mariin, tama nga si Sir Amiel, dapat nag-isip muna ako bago ako gumawa ng aksyon. Ngayon ay image ko pa rin ang nasira. Mabilis akong tumakbo paakyat ng hagdanan para makapunta kaagad sa classroom namin. Pagpasok ko sa kwarto, natahimik ang mga kaklase ko. Nakita ko si Joy, Dianne at Nicole na magkakatabi sa unahan ng classroom. Dahil wala kaming sitting arrangements, kahit saan pwede kami maupo. Naka