CELINE POV "Iha parating na si Marcus." Lumapit sa akin si Tita. I just smiled at her. Hindi ko maipaliwanag. Tinawagan ko si Tyron kagabi at feeling ko may gusto s'yang sabihin sa akin. Kinulit ko nga pero wala naman s'yang sinabi na kahit ano. Miss ko na ang kaibigan kong iyon. Nag-usap kami ni Marcus kanina lang sa phone na imove muna namin ang araw ng kasal dahil gusto kong umattend ng kasal ko ang kaibigan kong si Xena. Malapit na kasi ang Birthday ni Xena. Gusto kong naroon ako para icelebrate ang birthday niya na kasama siya.. Naiinip na ako sa kinatatayuan ko. Malapit na kaya si Marcus? Nagprisinta kasi si Marcus na sasama sa amin para ipagdrive kami at para makita na din niya ang titirahan namin pagkatapos ng kasal. Ilang sandali lang may humintong sasakyan sa tapat nam