MARCUS POV "Nasan si dad?" Tanong ko sa katulong. "Sa office niya sir." Nagmamadali akong naglakad papuntang office ni Dad dito sa bahay. Pinihit ko ang seraduhan at malakas na itinulak. Pabalibag kong isinara ang pinto. Pritenteng nakaupo si dad sa swivel chair niya. Umarko pataas ang kilay ko. Naupo ako sa harap niya. Umayos ng upo si dad at may kinuha sa gilid ng table niya. "Nandito lahat ng mana mo." Ibinaba ni Dad ang hawak sa harap ko. "I don't need this dad. Eto lang ba ang gusto mong sabihin sa akin? Busy ako sa kakahanap kay Celine. Sinasayang mo lang ang oras ko dad." "Marcus, hiwalay na kayo ni celine so dapat lang na ibigay ko na sayo ang mana mo." Napahampas ako sa table ni dad. "Hindi kami nag-hiwalay. Babalik sa akin ang asawa ko!. Tandaan mo 'yan." Umigting