CELINE POV Hinawi ko ang kurtina at sumilip sa labas. Nakita kong pinipigilan ng mga guards si marcus. Kanina ko pa naririnig ang pagwawala niya sa labas. Gusto niya ako makausap. Hindi ako pumayag dahil hanggang ngayun ay nasasaktan pa rin ako. Umiwas ako ng tingin at naupo sa gilid ng kama. May isang linggo na ako dito sa puder ng magulang ko. Gusto ko sanang lumipat para hindi mabulabog ang magulang ko sa tuwing pupunta dito si marcus para makita ako. May sunod-sunod na katok sa pinto ko. Binuksan ni mommy ang door at lumapit sa akin. "Anak, magpakita ka kay marcus. May hawak syang baril at baka ano pa ang gawin niya." Nag-aalalang aniya. Gulat na gulat ako. Kasama ko si mommy papuntang gate. Naroon nga si marcus at tinututok ang baril sa ulo niya. "Marcus!" Napasigaw ako s