"Sigurado ka ba rito, Manika?" worried na tanong ni Yaya Conchita sa akin. Tumingin ako sa kanya sa salamin habang nilalagay niya ang pearl necklace sa aking leeg. "Paano kung may makakilala sa 'yo sa party at isumbong sa Daddy mo? Hindi malabo iyon dahil sabi mo malaking event ang pupuntahan mo." Tumayo si Yaya Conchita sa aking tabi habang sinisipat ang nakahantad kong tunay na mukha sa salamin. Wala na ang suot kong pekeng braces, prosthetics na dinikit ko sa mukha ko at nakalugay ang aking mahaba at alun-along buhok. "Don't worry, Nay. Diskarte ko na 'to. Gusto ko lang pagbigyan si Sir Nicholo para hindi siya magtampo sa akin," sagot ko. Hinaplos ko ang pearl necklace na pamana pa ng Mommy ko sa akin. I saw this necklace in one of her pictures. I looked exactly like her. Kaya h