Wala sa kanyang sarili si Manika nang makabalik ako ng opisina. Kakatapos lang ng huling meeting ko at feeling ko sobrang drain ng utak at katawan ko. Siya kaagad ang gustong makita ng mga mata ko kaya kaagad akong bumalik ng aking opisina. I saw her sitting on her chair. Nakapangalumbaba siya habang nakatanga sa kawalan. Nakalapit ako sa kanya na hindi niya namamalayan. Hanggang sa tumabi ako sa kanya ay hindi pa rin niya ako napansin. What happened to her? May problema ba siya? "Baby, mukhang napakalalim ng iyong iniisip," ani ko kay Manika nang hindi pa rin siya gumalaw kahit nasa tabi niya ako. I'm standing beside her and looking down at her. "A-Ah, ano 'yon?" nagulantang na bulalas niya. Napatayo siya sa kanyang pagkakaupo at muntik pang matumba kung hindi lang ako naging maaga