Nasa meeting ako rito sa Batangas at na-excite ako na nakaharap ko muli si Don Hernando. Present din siya sa business meeting na 'to na hindi ko ine-expect. "Kumusta na kayo, Sir?" tanong ko saka nakipagkamay. "I'm fine, hijo. Ikaw? Kumusta naman ang negosyo mo sa San Benitez?" natutuwa ring saad ng matanda. "Maayos naman po at mas lalong tumataas ang kita," proud kong sabi. Sa susunod na taon ay balak kong magtayo ng branches ko sa iba't ibang panig ng Luzon. Plano pa lang iyon dahil pinag-iisipan ko pa kung saang lugar ang mataas ang demand ng produkto ng kumpanya ko. Ayokong ipagsapalaran ang puhunan at pagod kaya gusto ko ay iyong siguradong malaki ang kabig ng pera. "That's good. Good for you, sana ganyan din mag-isip ang anak ko," malungkot na saad ng don. "Why? Hindi ba busine