Pagod na pagod na humilata ako sa aking kama nang makauwi ako ng unit namin ni Yaya Conchita. Nagtataka man siya na dumiretso ako ng aking kwarto na hindi kumakain ay hindi naman niya ako kinuwestiyon. Marahil, iniisip niya na pagod ako sa trabaho at gusto ko na lang muna magpahinga. Dumiretso ako ng shower room nang saglit akong magpahinga. Hinubad ko ang lahat ng aking saplot at tumutok ako sa ilalim ng shower. Ang sarap sa balat ang maligamgam na tubig na nagmula sa shower. Parang binubura nito ang bawat halik at haplos ni Sir Nicholo na iginawad niya sa aking katawan. Pinangako ko sa sarili ko na pagkatapos ng nangyari sa amin ni Sir Nicholo ay kakalimutan ko na lang iyon na parang walang nangyari. Hindi ko na pinahihintulutan pang mangyari ulit iyon subalit nabali ang aking pangak