Magana akong kumakain ng mangga habang sinasawsaw ito sa bagoong isda na pasalubong ni Sir Nicholo sa akin. Mas lalo pa akong ginanahan nang lagyan ko ito ng siling labuyo na kumakagat ang anghang sa dila. Sarap na sarap ako habang nakatutok ang mata ko sa telebisyon. Narito kami sa kwarto ni Sir Nicholo at kanina pa siya weird kung makatingin sa akin. "Gusto mo?" hindi ko mapigilang alukin siya. Kanina pa kasi siya pasulyap-sulyap sa akin kaya hindi ko na mapigil ang magtanong sa kanya. "No, baby. Pass ako riyan. Ayokong bumangon ng madaling-araw para lang magbanyo. Hindi ako kumakain ng mangga sa gabi lalo na kapag hilaw ito dahil baka magtae ako," sagot naman niya habang napapangiwi sa amoy ng bagoong. Ang arte! Ang sarap kaya ng bagoong. Lalo na kapag hinalo ito kasama ng kanin. La