Simula nang mapanaginipan ko si Omar ay biglang nag-iba ang tingin ko sa kanya. Lahat ng kanyang mga kilos ay akin ng napapansin. Hindi dapat pero basta na lang nangyari. “Kumusta ang opening?” tinanong ko ang lalaki. “Successful. Maliban sa pagwawala ni Samer kaninang umaga nang malaman niyang hindi ka umuwi, wala namang naging problema, eh.” Sabi ni Omar sa akin. “Mabuti naman kung ganun,” sabi ko kay Omar. “Ano na ang plano mo ngayon?”Nagtanong si Omar. “Hmmm kakain ng dinner tapos matulog na siguro,” sinagot ko ang kanyang tanong ngunit iba ang ipinukol na tingin ni Omar sa akin. Kumunot ang aking noo kasi tama naman ang sinabi ko. Ano ba dapat? “Tumawag sa akin ang pinsan ko at on the way na raw siya