CHAPTER 6

2273 Words
Simula noong sumabay sa amin si Omar ng dinner, mas lalo pa kaming naging close. For two weeks, hindi ako umuwi sa amin tuwing tanghalian dahil sabay kaming kakain sa kahit saang karinderia na type namin. Noong una ay natakot ako na baka magalit sa akin sina inay at itay. Hanggang banta lang pala sila dahil nang kinausap sila ni Omar na ligawan ako, agad na pumayag ang dalawa at ang sabi ay hahayaan na nila akong gumawa ng desisyon tungkol sa pakikipagrelasyon. Basta hanggang holding hands lang daw ay okay lang sa kanila ni Nanay. Pakiramdam ko, we were meant to be,'yong destined for each other kumbaga. Ganunpaman, sinigurado ko na hindi bababa ang aking mga grades. As usual, hindi pa rin nakikinig si Omar sa mga discussion namin. Kung inakala ng karamihan na magbabago si Omar dahil sa akin, nagkakamali sila. Kasi ang sabi sa akin ni Omar, huli na para magseryoso sa kanyang pag-aaral. Kuntento na ito na makapasa at wala itong pakialam sa makukuha nitong marka. Actually, hindi naman bobo si Omar. Mas matalino pa nga siya sa akin kung pagbabasihan ang mga medalyang natanggap nito noong elementary pa ito. Hindi ko alam kung ano ang kanyang dahilan at bakit balewala sa kanya ang aming huling taon sa high school. Ayoko ding tanungin siya ng kung anu-ano. Gusto ko, siya mismo ang magsabi sa akin ng mga bagay-bagay. "Bukas na ang js prom natin," sabi ni Omar sa akin habang nasa garden kami para sa aming Home Economics na subject. "So? Ano'ng meron sa JS Prom?" Tinanong ko siya. "Kung may balak kang sagutin na ako, sana ngayon na lang para mas masaya bukas." Sumagot naman siya, kaya lang medyo iba ang dating. Ang angas lang talaga niya paminsan-minsan. "Asa ka pa," sabi ko sa kanya, pero ang totoo, balak kong maging official kami bukas. 'Yong pwede ko na siyang ituring na boyfriend talaga. "Di bale, basta tayo ang magkasama bukas." "Shhhh, parating si sir kaya quiet muna tayo," sabi ko sa mahinang boses. May pagka-terror kasi si Mr. Gimeno, ang guro namin sa H.E. "Omar, can you please assist Paula in her garden?" Utos Mr. Gimeno kay Omar. Tumingin sa akin si Omar bago umuo kay Sir Gimeno. Hindi naman pwede na pigilan ko siya na huwag pumunta sa garden ni Paula kasi pagagalitan ako ni Sir. "Anna, sumunod ka sa akin sa office," sabi ni sir at kaagad na pinagtitinginan ako ng aking mga kaklase. Nagtaka ako kung bakit bigla na lang niya akong pinapunta sa kanyang opisina. "Yes sir," sabi ko at kaagad na tumayo at ibinalik sa garden shed ang aking bolo, naghugas ng kamay at nagtungo sa opisina ni Mr. Gimeno. Kumatok muna ako bago pumasok kahit alam kong nakabukas lang 'yon palagi. "Sir?" "Pumasok ka na at maupo dito sa harap ko," sabi niya sa napaka-istriktong boses. Lumapit ako sa bakanteng silya na nasa harap ng kanyang mesa. "Hindi na ako magpaligoy-lipoy pa, Anna. May relasyon ba kayo ni Omar?" Nabigla ako sa itinanong niya sa akin. "W-wala po, sir. Magkaibigan lang po talaga kami ni Omar." Hindi ko kailangang magsinungaling dahil totoo naman ang sinabi ko. Yes, there were instances na naghahalikan kami sa labi, pero malinaw sa aming dalawa ang aming mga ginawa. "Mabuti naman kung ganun. Napansin ko kasi na lagi na lang kayong magkasama. Alam mo kasi, sayang ang magiging future mo kung makikipagnobyo ka lang kay Omar. Sana'y hindi ka magpadala sa emosyon at unahin ang iyong pag-aaral." Pangaral ni sir sa akin. Hindi ko alam kung saan ako kumuha ng sapat na lakas upang sumagot kay Mr. Gimeno. Wala itong karapatan na husgahan si Omar. Sapat na bang dahilan ang hindi pagkakaroon ng magandang grades upang pagsabihan na walang kinabukasan? "Mawalang-galang na po sir. Pero hindi naman po yata tama na husgahan ninyo ng husto 'yong tao. Kung ganyan rin lang kayo, sana'y nag-apply kayo bilang guidance counselor dito!" "Aba at napakawalang-modo mo na bata! Kilala mo pa ba ang iyong sarili, Anna? Hindi ka naman dating ganyan. Hindi mo pa rin ba nakikita ang epekto sayo ng pakikipagkaibigan mo sa lalaking 'yon?" Tumaas ang boses ni sir at alam ko na posible kaming narinig ng ibang mag-aaral. "Nagkakamali po kayo, sir. Dati na po akong ganito, wala lang pong dahilan para sagut-sagutin kita tulad ngayon. Hindi mo naman siguro ako ibabagsak sa subject mo kung hindi na ako papasok pa hanggang sa graduation namin?" Tinanong ko siya. "Do it! Kung ayaw mong maging top one sa inyong pagtatapos, huwag ka nang pumasok sa subject ko. Makakaalis ka na," galit na sabi ni sir sa akin. "Kung sasabihin mo sa akin na layuan si Omar para maging top one, di bale na lang. Kay Paula mo na lang ibigay ang highest score mo, sir." Tumayo ako at lumabas mula sa kanyang opisina at dumiretso na sa aming classroom. Doon ko na lang hihintayin ang iba ko pang mga klase dahil hinding-hindi na ako tatapak sa garden namin. Habang nakaupo sa aking silya, paulit-ulit kong tinanong ang aking sarili kung tama ba ang aking ginawa kanina. Ginaya ko ang pose ni Ninoy Aquino sa perang papel na five hundred pesos at sa ganung posisyon ako naabutan ni Omar. "Something wrong? Hindi ka na bumalik sa garden," sabi niya. "Hindi na kailangan, maganda naman ang aking mga pananim doon." Sumagot ako. "Sabagay. Pero bakit parang malungkot ka yata?" Nagsimula siyang mag-usisa at gusto ko sanang sabihin sa kanya ang naging discussion namin ni Sir Gimeno sa office niya kanina. "Malungkot agad? Hindi ba pwedeng bored lang?" pinilit ko ang aking sarili na ngumiti dahil ayokong magtatanong pa siya sa akin. "Well, kung bored ka lang pala, I think I can help you." Sabi niya at sabay kindat sa akin. "Paano?" Nagtanong ako kasi ayokong mag cutting classes talaga. "This," sabi niya. Bigla niya akong hinalikan sa labi. At first, it was only a smuck, then suddenly it became torrid. Unti-unti ay naging mapusok si Omar at ganun na rin ako. Mas lalo kong naramdaman ang kakaibang sensasyon sa baba ng aking puson nang ipinasok niya ang kanyang dila sa loob ng aking bibig. Ilang beses na rin kaming naghalikan tuwing may pagkakataon, pero kakaiba ang nangyari ngayon. Mas mapusok. Naramdaman kong nanggigil siya ng husto nang mapangahas niyang dinama ang isa kong dibdib. Dito na ako natauhan at naitulak ko siya ng malakas. "Tama na," sabi ko sa kanya dahil anumang sandali ay darating na ang iba pa naming mga kaklase. May last subject pa kasi kami after H.E. Ewan ko ba kung bakit magkasunod ang Home Economics at Physical Education. "Natakot ba kita?" Nabahala niyang tanong sa akin. Argh, those eyes! Bakit ba tuwing tinititigan niya ako, para akong malulunod at hinihigop ang aking kaluluwa. Next time, kapag mangahas pa si Omar na ulitin ang ginawa namin kanina, baka hindi ko na kayang pigilan pa ang aking sarili at tuluyan nang magparaya. Huwag naman sana. "Medyo," sumagot ako. "Ahhh, ikaw kasi. Bakit ba hindi ko mapigilan ang aking sarili na hawakan ka?" Ako pa ang sinisi niya, ghad! Pagkasabi ay hinawakan niya ang aking kamay at mariin itong pinisil. Halatang nanggigigil pa rin ito. "Mabuti pa ay maghanda na lang tayo para sa next subject." suhestiyon ko sa kanya. "Mabuti pa nga, para pansamantala akong ma-distract mula sayo. Nakakagigil ka kasi, alam mo ba 'yon?" "Tumigil ka nga," sinaway ko siya. Kinuha ko ang aking PE uniform at nagpaalam sa kanya na magpapalit lang. "Sabay na tayo," hirit ni Omar sa akin. Dala ang aking uniform, lumabas na ako mula sa aming classrom. Nagpang-abot kami ni Cathy sa labas. "O saan ka pupunta?" tinanong niya ako kahit alam nitong dala-dala ko ang aking PE uniform. "Syempre, magpapalit ng kasuotan." "Lagi ka na lang kasing busy kay Omar kaya hindi mo alam ang latest," sabi nito kaya nagtataka ako kung ano nga ba ang latest. Tinanong ko siya. "Nag-undertime si Mam Paz dahil biglang nahilo," sumagot si Cathy. "Ganun ba. Salamat ha. Kung hindi mo sinabi kaagad, baka pagtawanan ako ng mga kaklase natin. So paano, pwede na ba tayong umuwi?" Nagtanong ako kay Cathy at nang tumango ito ay napangiti ako bigla. "Of course. Kukunin ko lang ang aking bag sa loob at uuwi na rin ako. Kailangan ko pa kasing magpa-salon para sa prom bukas. So, see you tomorrow." Nagmamadali itong pumasok at nang makuha na nito ang kanyang bag, muli itong lumabas at nagpaalam sa akin na mauna na. Bumalik ako sa loob at ibinalita kay Omar ang good news na makakauwi kami ng maaga. Nagliligpit na kami ng aming mga gamit nang magsidatingan ang iba pang kaklase. Kagaya ko, naging abala rin ang mga ito sa pagliligpit ng mga gamit. Excited ang karamihan lalo na at biernes ngayon. Sigurado akong mamamasyal pa ang mga ito sa plaza, ang iba naman ay magpa-salon na para sa activity bukas. "Let's go," sabi ni Omar sa akin pagkatapos kong iligpit ang aking gamit. Tumango ako at sumunod sa kanya. Paglabas namin sa gate, tinanong ko siya kung bakit niya iniwan sa loob ang kanyang motorsiklo. "Simula ngayong araw, hindi na ako magmomotorsiklo upang masabayan kita sa paglalakad," sabi niya. Napangiti ako sa kanyang sinabi. Mahaba-haba din kasi ang lalakarin namin galing sa paaralan patungo sa eskina na dadaanan ko pauwi sa amin. Habang binabaktas namin ang kalsada, nagkukwentuhan kami ng kung anu-ano. Maya't-maya pa, may mga babaeng nagpapansin sa kanya. "Sa tingin ko, mas mabuti kung naka-motorsiklo ka," wala sa isip na sinabi ko sa kanya ang aking naobserbahan. "Why?" Nagtaka siya. "Paano naman kasi, andaming mga babae na nagpapansin sayo," nagreklamo ako. "Nagseselos ka ba?" Mukhang natuwa pa ang mokong na nagselos ako sa mga babaeng gustong magpapansin sa kanya. "Hmmm hindi ko alam, pero ayokong may ibang babae na makikipag-flirt sayo." "Eh, ano'ng gagawin ko? Mahirap naman talaga ang maging pogi," pabiro nitong sabi sa akin habang ginaya ang dialogue sa commercial ng Master Cleanser. "Sagutin mo na kasi ako para tayo na," sabi niya. "Kailangan pa ba 'yon? Parang tayo na rin naman, ah." Sumagot ako. "Syempre. Pero kung talagang ayaw mo pa, handa akong maghintay. Wala akong magawa, eh ako itong patay na patay sayo." "Sus, ang galing mo talagang mambola. Ang galing mong dumiskarte. Teka, saan tayo pupunta?" hindi ko napansin na ibang daan pala ang tinatahak namin, at hindi iyon papunta sa eskina patungo sa aming baryo. "Shortcut 'to papunta sa amin. Magpapalit lang ako ng damit, tapos ihahatid kita sa eskina." "Ah, sige. Ikaw ang bahala." Hindi ko maipaliwanag kung bakit ang laki ng tiwala ko kay Omar. Balewala sa akin ang reputasyon nitong basagulero, babaero at walang-kwenta. Masyado pa kaming mga bata para isipin ko ang negatibo niyang katangian. Pagpasok namin sa loob ng kanilang bahay, nadatnan namin ang isa sa mga katulong. Abala ito sa pagdidilig ng mga bulaklak sa hardin. "Ate, saglit lang ho kami. Magpapalit lang raw ng damit si Omar," sabi ko sa kanya dahil ayokong isipin nito na gagawa kami ng milagro. Tumango lang ito at saka nagpatuloy sa ginagawa nito. Sumunod ako kay Omar pero hanggang sa sala lang ako. Nilibang ko na lang ang aking sarili sa pamamagitan ng pagbabasa sa mga magazine na naroon sa ibabaw ng coffee table. Nang mapansin ko ang isang family album, kinuha ko 'yon at binuksan. Puro mga litrato ni Omar ang naroon. Natatawa ako sa hitsura niya noong bata pa ang lalaki. Sobrang cute nito at bibo. I was busy flipping the album's pages when I heard him shout. Kusang tumayo ang aking mga paa at hinanap ang silid kung saan nanggaling ang tinig ni Omar. Mabuti na lang at hindi nito ni-lock ang pinto at madali akong nakapasok. "Omar?" "May ipis," bakas sa boses nito ang takot habang nakabalot sa comforter ang buo nitong katawan. Ulo lang ng lalaki ang aking nakita. Sus, ang astig nito tapos takot lang pala sa ipis na maliit. Kumuha ako ng libro sa kanyang lagayan at ibinato ko sa ipis na nag-enjoy sa pamamasyal sa ibabaw ng carpet. "Hayan, tigok na ang ipis. Lumabas ka na diyan, hindi ka ba naiinitan?" nakatingin lang ako sa kanya habang inalis nito ang comforter mula sa pagkabalot sa katawan nito. And when he emerged from that thick fabric, oh my, I closed my eyes and looked elsewhere. Paano naman kasi, walang suot na pang-itaas ang lalaki. Oo nga at nakakita na ako ng mga kalalakihan sa amin na hindi talaga nagsusuot ng pang-itaas lalo na kung hapon, ngunit iba pa rin si Omar. "Sa labas na lang kita hihintayin," sabi ko matapos kong mag-about face palabas ng kanyang silid. Pero mabilis si Omar at inabot niya ang aking isang kamay, hinila niya ako at pinaharap sa kanya. "Thank you," he said it sincerely and my heart melted in front of him. Nakita ko kung paano bumaba ang kanyang mukha patungo sa akin at bigla niya akong siniil ng halik. Ipinikit ko ang aking mga mata at dinama ang kanyang mga labi na kumakagat-kagat sa aking mga labi. "Omar...," daing ko sa kanya nang hindi ko na alam ang aking gagawin, para akong d**o na unti-unting kinakain ng apoy at nasusunog. "We must stop now or else," sabi ko sa kanya nang pakawalan n'ya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD