Fifteen years later... Alas otso pa ng umaga ang aking office hour ngunit alas syete pa lang ay nasa opisina na ako. May schedule kasi ako ngayon ng job orientation para sa aming mga bagong na-hire na employees, at payroll naman ang aatupagin sa hapon. Nakakapagod ang trabaho ng isang HR officer sa dami ng paperworks, pero napamahal na sa akin ang aking trabaho. Sa katunayan ay pang-apat na taon ko na sa kumpanya ni Mr. Samer Darwish. At kapag naiisip ko siya, automatic na mapatingin ako sa kanyang larawan na nakasabit sa dingding ng aking opisina. Sabagay, sino ba naman ang hindi mapatingin sa larawan ng aming amo tuwing papasok sa HR office kung kasing laki ng plywood and picture frame na nakasabit sa dingding. Masyadong mataas ang pride ng lalaki pagdating sa lahat ng bagay. At bil