Habang hinihintay ang matandang hilot na lumabas mula sa kanyang silid, bigla akong nalungkot. Ang sarap siguro sa pakiramdam na nasa aking tabi si Samer at dinamayan ako sa aking injury. Oo nga at kasama ko si Omar, ngunit si Samer kasi ang gusto ko. Kaya lang, hindi na talaga siya nagpaparamdam sa akin simula noong huli kaming nag-usap. “Ang lalim naman ng iniisip mo,” napansin ni Omar na panay ang aking pagbuntong-hininga. “Naalala ko lang kasi siya,” sabi ko. “Noong binugbog mo siya sa lobby ng Darwish, kaagad kasi akong sumaklolo sa kanya, pero ngayong na-injured ako, wala siya sa aking tabi.” Nalungkot lang talaga ako sa nangyari sa aming dalawa ni Samer. Narinig ko ang pagbuntonghininga ni Omar sa aking tabi. Siguro ay na-offend ito da