Kinaumagahan, nagulat ako nang makita ang mga pasa sa aking katawan. At habang pinagmasdan ko ang sarili ko sa malaking salamin, para akong bumalik sa nakaraan ngunit ibang lalaki ang salarin. Déjà vu? ***** Tiningnan ko ang aking sarili sa salamin at naglagay ng konting polbo sa mukha bago lumabas upang harapin si Eugene. Pagbaba ko, naabutan ko ang lalaki na kausap ang aking ama. Kinabahan ako dahil baka kung ano ang pinagsasabi nito kay Tatay. "Eugene, ba't ka narito?" Napansin kong nakabihis pa rin ito ng formal, katulad kahapon. Saan naman kaya ang lakad ng Eugene? "Good morning, Anna. Anyayahan sanna kitang magsimba." Tiningnan ko ang oras sa suot kong relo. Forty-five minutes na lang at magsisimula na ang last mass kapag linggo. "Pasensya ka na pero- "Huwag ka