Habang papunta kami sa mall, nagsasalita lang ako kapag may mga katanungan ang mga bata. Pinagpapawisan na aking kamay sa kakahawak ng aking cellphone at nababagot na rin ako sa kahihintay kung kailan tatawag si Omar. Kanina nang tinawagan ko siya, hindi kami nakapag-usap ng maayos dahil parang nagmamadali ito at medyo maingay ang paligid. Nasa palengke siguro ang lalaki at namimili ng preskong isda o di kaya ay mga gulay kaya nagtext na lang ako sa kanya na kailangan ko siyang makausap. Ngunit mahigit isang oras na ang nakalipas at hindi pa rin nagpaparamdam si Omar. Bakit ganun? Alam naman ng lalaki na nasa isang long distance relationship sila ngayon. Huminga ako ng malalim upang gumaan ang aking pakiramdam. Gusto kong bawiin ang sinabi ko kay Omar na kami na, dahil sa ngayon ay hindi