Ipinikit ko ang aking mga mata habang nakaupo sa gilid ng kama at pilit na binalikan ang mga kagannapan kanina sa mall. At paulit-ulit kong itinatanong sa aking sarili kung bakit pa kami muling pinagtagpo ni Omar. Fifteen years? So what kung hanggang ngayon ay naalala ko pa rin ang kanyang birthday, so what kung hindi ko pa rin makalimutan ang kanyang cellphone number na ginamit noong highschool namin, so what kung hindi pa rin mawala sa aking memorya kung gaano katangos ang kanyang ilong at kung gaano ka-expressive ang kanyang mga mata? Yes, naalala ko pa ang lahat pero talaga namang magaling ang aking memorya noon pa man. Masyado lang yata akong nadala sa kantang 'first love never dies'. Because right now, I no longer feel anything towards Omar. Siguro, hanggang friendship na lang pero