"ATE! Lumabas ka na dyan!" Katok ng kapatid ni Selene sa pintuan ng kuwarto nila ni Dwight. Dalawang-araw na ang nakalipas pero wala pa ring balita kung anong nangyayari sa mag-ama nito. Hindi siya makapasok sa utak ni Dwight. Tinatakpan ng lalaki ang isip nito kaya mas lalong nag-aalala ang Luna. How can she keep calm when her husband and son are outside the territory and dangers all over the place. "Pag-hindi ka lumabas dyan hindi makikita ang sorpresa ko sa’yo." Bakit ba ang tigas ng ulo ng kapatid niya? Isang oras na siyang katok nang katok pero hindi siya binubuksan ni Selene. At isa pa, may pasorpresa-sorpresa pa itong nalalaman gayong nasa kapahamakan sila. "Nakakainis ka na Moon Rose! Sabi ko naman sa’yo! Lalabas lang ako kapag andyan na ang mag-ama ko!" Sigaw ni Selenw sa nak

