GABI na nang magising si Selene dahil sa huni ng mga kuliglig at ibang mga insektong humuhuni tuwing gabi. Bumangon ang babae mula sa hinihigaan ng Luna at pumunta sa banyo upang maligo. Ginawa ni Selene ang gawain ng mga babae at bumababa para kumain sa kusina nang makarating siya doon ay nagtaka ang babae. Usually, kapag ganitong oras maingay ang Pack House ngunit ngayo'y walang marinig kahit hininga man lang nila. Dahan-dahan niyang ibinibaba ang baso na may tubig. Biglang kinabahan ang babae. ‘Saan na silang lahat? ‘Hindi naman kaya? Nangyari na ang kinatatakutan ko? But, it's three months from now? Nagsisinungaling ba ang aking Ina o sadyang mautak lang si Logan?’ Tumatambol nang sobrang bilis ang puso ni Selene. Naglakad siya pabalik sa itaas at naghanap ng mga taong-lobo na kas

