Freyah's P.O.V "Kuya Hendry, saan ba tayo pupunta mamayang gabi?" Tanong ko sa kanya habang kumakain kami ng Ice cream sa Kusina. "Dyan lang sa malapit." Tipid nyang sagot sakin. "Hindi ako sasama sayo kung hindi naman importante ang pupuntahan natin. Sasamahan ko na lang si Daren sa kwarto niya." Huminto sa pagkain si Kuya Hendry. "Si Inang na lang ang bahala kay Daren. Ipahiram mo naman ang anak mo kay Inang ngayon lang Niya makakasama ang apo niya eh," "Saan ba tayo pupunta kasi." "Sabihin na nating Birthday treat ko sayo. lalabas tayong dalawa." Oo nga pala muntik ko ng makalimutan na birthday ko ngayon naging abala kasi ako sa anak ko at sa pamilya ko. Tapos naguguluhan pa ako kung bakit ilang araw ng hindi tumatawag sakin si Dice. "Hindi mo na kailangang mag Abala pa kuya. Ma