Daisuke's P.O.V. Walang tigil ang pag-agos ng luha ko. Habang pinag mamasdan ko ang si Freyah. Tatlong araw na mula ng mangyari ang Aksidente at sa mga araw na yon. Naging mabigat ang pakiramdam ko. Wala paring malay si Freyah ganon din ang Anak ko si Daren. Sabi ng Doctor Malaki daw ang Pinsala ni Freyah kaya kung magigising daw siya Baka saglit lang ang itatagal niya. hindi ko yon pinaniwalaan. Dahil naniniwala akong mabubuhay pa siya ng matagal. Hinawakan ko ang kamay niya. "Honey... gumising ka na. Nami-miss na kita." Sabi ko. Kinagat ko ang ibaba ng labi ko upang mabawasan ang Sakit nararamdaman ko. Ang sakit-sakit kasing makita siyang nasa ganong kalagayan. "Mag palakas ka ha! Mag papakasal pa tayo sa Simbahan. mahal na mahal kita. Please lumaban ka. Lumaban kayo ni Daren para saki