"Zayn," tawag n'ya sa pangalan nito. Papalapit ito sa kinatatayuan n'ya. Pero nakamata sa palayong sasakyan ni Aldrich. Ito ang iniiwasan n'yang mangyari. Ang makita sila ni Zayn. Pero nangyari pa rin at aasahan na n'yang magagalit ito. Dahil sa simula palang sinabi na nitong ayaw n'yang makita s'yang may kasamang ibang lalake. Although hindi naman iba sa kanya si Aldrich. Kababata n'ya ito at matalik na kaibigan. Kahit pa sabihing limang taon din silang hindi nagkikita dahil sa pag-aaral ni Aldrich abroad. "Saan kayo galing?" Tanong nito. Masama ang tingin sa kanya. "Ah, eh," sasagot na sana s'ya ng pumarada sa kinatatayuan nila ang magarang sasakyan. "Sumakay ka na," mariing utos ni Zayn at binuksan ang passenger seat. "Ah, Zayn. Saan tayo pupunta?" "Sa bahay n'yo. Kukunin natin a