Matapos ang ilang minuto bumukas ang malaking pintuan ng penthouse. Napatayo s'ya at napalingon sa bumukas na pintuan sa pag-aakalang si Mr. Sullivan na ang pumasok. Isang medyo may edad na babae ang pumasok. Nakauniporme ito, pero iba sa uniporme nilang staff sa hotel. Ngumiti ito sa kanya ng makita s'ya. Nahihiya s'yang ngumiti. At babalik na sana sa pag upo ng mapansin ang bitbit nitong pamilyar na bag. "Pinadala ito sa akin ni Sir Zayn. Bilin sa akin na ibigay sa iyo ang gamit mo, para daw makapagbihis ka," sabi nito. Habang lumalapit sa kanya. Sinalubong naman n'ya ito. "Maraming salamat po," pasalamat n'ya ng makuha ang bag. "Sige. Ipaghahanda na kita ng pagkain mo," "Ho? Huwag na po. Maya-maya lang po bababa na ko," nahihiyang pigil n'ya. "Binilin ni Sir Zayn na ipaghanda kit