Matapos makapagbihis para sa dinner sa bahay ng mga magulang ni Zayn ay agad na s'yang lumabas ng silid. Pinagpasalamat n'yang nakauwi sila nito ng ligtas. Ramdam na ramdam kasi n'ya ang galit ni Zayn sa ginawa n'ya. At alam n'yang mamaya pagkatapos ng dinner, sasabog na naman ang galit ng binata sa kanya. Well depressed s'ya. Nahihirapan at nasasaktan s'ya sa sitwasyon n'ya ngayon. Bukod sa buntis s'ya ay nagmamahal pa s'ya sa maling tao. At kung ano man ang kinikilos n'ya ngayon ay dahil sa pinagdadaanan n'ya. "Ready?" Tanong ni Zayn. Habang pababa ng hagdan. Nakatingala sa kanya ang binata. Napasinghap s'ya ng masulyapan ang suot nito. Kaswal lang pero lutang na lutang ang kagwapuhan nito. Kahit wala itong kangiti-ngiti sa mukha. Wala s'yang mabasang ekspresyon sa mukha nito. Hindi n'