"How's your meeting with your friend?" Bungad na tanong n'ya ng makapasok na si Zayn sa loob ng penthouse. Kanina pa nga n'ya ito hinihintay. Hindi na nga s'ya mapakali. Nag-aalala na baka si Laura ang kasama nito, at nagkunwari lang na ibang tao ang kasama. Wala ngang tigil ang isip n'ya sa kung anu-ano ang iniisip. Napaparanoid s'ya na ewan. May tiwala naman s'ya kay Zayn. Pero si Laura hindi katiwa-tiwala. "Wait," tigil nito. Saka kumunot ang noo. Nakasimangot ka ba?" Zayn asked. "Hindi!" "Hindi daw," natatawang sabi nito. At humakbang palapit sa kinatatayuan n'ya. "Halika nga dito," saka mabilis nitong pinulupot ang mga kamay sa maliit n'yang bewang. Hindi s'ya nag react. Pasimple n'yang inamoy ang damit nito. Sinusuri kung amoy pabango ng babae. Wala naman s'yang naamoy na kaka