Kinabukasan ramdam n'ya ang sakit ng buong katawan ng gumalaw sa kama. Sino ba naman ang hindi sasakit ang katawan sa mga ginawa n'ya kagabi kay Zayn. Masyado s'yang nagpakitang gilas sa asawa. Nilabas na yata n'ya lahat ng nalalaman n'ya sa pakikipagtalik sa asawa. Para lang mapaligaya ito ng husto. Nakita naman n'yang natuwa ang asawa at talagang nasiyahan ito sa pagpapakitang gilas n'ya sa pakikipagtalik. Halos ipagsigawan na nga nito kung ang pangalan n'ya at kung gaano s'ya nito kamahal sa sobrang tuwa. "Nakakahiya," bulong n'ya. Saka tinakpan ang mukha sa mga kamay. Iniling pa ang ulo sa sobrang kapilyaan ng mga ginawa n'ya kagabi. Wala namang masamang magpakita ng gilas pagdating sa pakikipagtalik. Mag-asawa naman sila ni Zayn. Isa pa kailangan din naman n'yang paligayain ang asawa