Kinabukasan tahimik silang sabay kumakain ni Zayn ng almusal. Wala silang kibuan nito. Pansin nga n'ya ang pagtataka ni Manang Mylene. Napapasulyap kasi ito sa kanya. Marahil nagtataka kung bakit tahimik sila sa apag kainan. Wala naman kasi silang dapat pag-usapan pa. Isa pa baka mag bangayan lang sila kung magsasalita ang isa sa kanila. Hindi pa tapos ang away nila nito. Hindi pa tapos ang inis n'ya rito. Matapos kumain agad na s'yang tumayo at inayos ang mga gamit na dadalhin sa eskwela. "Si Manong muna ang maghahatid sa iyo, may inaasikaso pa kasi ako,' sabi ni Zayn. Hindi s'ya kumibo. Pinagpatuloy lang ang pag-aayos ng mga gamit. Matapos nitong magbilin kay Manang Mylene na linising husto nito ang penthouse ay sabay na silang lumabas ng penthouse. Ni hindi n'ya ito sinusulyapan. Na