Matapos kumain sinabi ni Zayn na tutungo sila ng mall mamaya para mamili ng mga gamit n'ya. Hindi na nila muling pinag-usapan ang tungkol sa kasal at sa pagpapa inlove nito sa kanya. Bagay na kinatuwa n'ya. Kaya nakapag focus s'ya sa pagkain kanina. "Hindi ko naman kailangan ng mga bagong gamit. Marami akong gamit sa bahay namin," sagot n'ya. "Gusto mo pa bang kunin ang mga gamit mo sa bahay n'yo?" Tanong nito. Napatingin s'ya rito. Naiisip n'ya kung ano ang magiging reaksyon ng mag-ina kung magtungo sila ni Zayn sa bahay nila para kunin ang mga gamit n'ya. At ano din kaya ang magiging reaksyon ng mga ito kung malamang sa penthouse na s'ya nakatira kasama si Zayn. "Sasamahan mo ko?" Paninigurado n'ya rito. "Yes," sagot nito. At sumilip sa relo nito sa palapulsuan. "May oras pa nama