"Nandito ka naman?" Nakakunot ang noo ni Zyrus nang makita niya ako sa hospital niya. "Actually, nagpa-check up ako kaya nandito ako. Maagang natapos kaya naisipan kong bisitahin ka," sabay ngiti ko. Sinadya kong puntahan si Zyrus upang muling alukin sa mga plano ko. "Hindi naman ito mental hospital bakit dito ka nagpapa-check up?" Tinitigan ko siya ng masama "f**k you!" Tinitigan ako ni Zyrus. "Nandito ka ba para kulitin ako na pumayag sa plano mo?" "Alam kong mahal mo si Veronica at mahal ko rin si Lester. Bakit hindi tayo magtulungan para makuha natin ang gusto natin." Tumawa si Zyrus. "Baliw ka na nga, sa tingin mo ba magiging masaya ka kung ang taong mahal mo ay hindi ka mahal?" "Natutunan naman ang pag-ibig." Tumango siya. "Yeah, totoo natutunan ang pag-ibig pero sa tingin m

