"Girl, magkasama na nga kayo sa bahay ni Lester wala pa rin kayong tigil sa kakatext dalawa. Ngayon na nga lang ulit tayo nagkikita." Sabay simangot sa akin ni Dina. Tumingin ako sa kanya. "Tama si Dina mamaya na kayo maglandian ni Lester ilang oras lang naman 'to," sagot ni Cyndi. Katatapos lang namin magpa-manicure at pedicure kaya naisipan naming kumain sa fast-food na nasa loob ng Mall kung saan kami nagpa-manicure. "Hindi si Lester ang ka-text ko." Muli akong tumingin sa cellphone ko. Nagkatinginan silang tatlo saka tumayo at lumapit sila sa akin. Halos matabunan nila ako para lang makita kung sino ang ka-text ko. "Hoy! Baka madaganan na ako." "Gaga! Sino 'yan ka-text mo?" ani ni Dina. Sapilitan niyang hinablot ang cellphone ko at binasa ang pinag-uusapan namin sa text. "Kumai